Hannah's POV Mabilis nga talaga ang oras pag kasama ang mahal mo. Hihihi. Nakasakay na kami ngayon sa kotse namin papuntang simbahan para magsimba. Syempre ano pa ba. Simpleng polo at jeans lang ang suot ni Christian at naka dress naman ako. Hindi talaga maipagkakaila na bagay kami. Uyy wag na kayong pumalag. Naglalakad na kami papasok ng simbahan at napatingin ako sa kamay niya at kamay ko. Naglalapat kasi ang likod ng mga palad namin. I have this urge to hold his hand pero wag nalang kaya tumingin ulit ako ng diretso. But before we completely entered the church, naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya pero ngumiti lang siya ng bahagya habang nakatingin pa din sa harapan. Ngumiti rin ako at hinigpitan ko rin ang hawak ko sa kamay niya. Umupo kami

