Third Person's POV Nagulat ang lahat ng tao pero maya-maya ay bigla na ring nagpalakpakan at makakarinig ng ilang 'congratulations' from the crowd. Well, ang mukha ng dalawa nating bida? Syempre, gulat. Ikaw ba naman. Bigla ring nabitawan ni Hannah ang gitara niya sa sahig. Natawa nalang ang apat sa inakto ng mga anak nila. "Well ladies and gentlemen, once again good evening and enjoy the night!" masayang sabi ni Jannet, mommy ni Christian. Hinila naman nina Jannet at Lianna ang mga anak nila patungo sa kanilang table. "Diyan muna kayo ah? Maglilibot lang kami." paalam ni Lianna. Tumango lang ang dalawa. Sila po'y nagkatinginan. Ganun lang sila nang nagsilapitan na ang ibang bisita. "Happy Birthday Christian!" "Congratulations sa inyong dalawa!" "Happy Birthday Mr. Montez!" at

