Chapter 23: Information Desk

1706 Words

GANOON NA LAMANG ang pagbalik ng ulirat ni Saleen nang makarinig siya ng malakas na pagbagsak mula sa kung saan. Kahit ang antok niya ay tila biglang napawi. Kaagad niyang hinanap ang lumikha ng ingay na iyon sa kanyang paligid. Kung saan-saan ang naging paglingon niya nang una ngunit hindi niya makita kung nasaan nanggaling ang ingay hanggang sa makarinig siya ng malakas na pagsigaw mula sa kusina. “Chef!” malakas na pagsigaw ng isang food server. Walang pagdadalawang-isip na binitiwan ni Saleen ang kamay ni Cain na nakahawak sa kanyang bisig. Dali-dali ang pagtakbo niya mula sa kumusyon na nagaganap. “What happened here?” kaagad niyang tanong sa mga naroon. “Bigla na lang pong bumagsak, Doktora Saleen.” Maingat niyang sinuri ang pulso ng binata nang sabihin sa mga naroon na bahagya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD