HINDI NA MAALALA ni Amara kung kailan siya huling nagpahinga. Ang mahalaga sa kanya nang mga sandaling iyon ay mahanap ang anak na nawawala. Hindi niya inalintana ang ilang kilometrong karagatan na nilalangoy sa ilang araw na nakalipas. Kailangan niyang makasigurado na wala nga talaga si Amaris roon. Nang huli ay wala siyang mapagpipilian kung hindi ang magtungo sa kalupaan lalo na nang mapag-alaman niyang doon niya makikita ang nawawalang anak na ipinagbigay-alam sa kanya ng mga lumba-lumba. May lumang alamat na kumalat sa kanilang mga sirena na nangyari nang unang panahon. Ang karamihan daw ng mga sirena ay nagtutungo sa kalupaan upang makisalamuha sa mga tao. Ginagawa nila ito tuwing bilog ang buwag dahil sa mga ganoong araw lumalabas ang kanilang mga paa. Ngunit nang magsimula raw ang

