Mark's POV Dumating sila Mark on time sa Resort upang sagipin ang kanyang kapatid na si Mark James,nagpalitan ng maraming putok ang bawat pangkat at sa isang kwarto kitang kita niyang nakatutok ang baril sa kanyang kapatid habang ito ay nakaluhod sa sahig na hubo't hubad, at nakagapos ang katawan. Naawa siya sa kalagayan nito, dahil naliligo ito sa dugo at pikit na rin ang mga mata nito dahil sa pamamaga ng mukha at nakagapos ang mga kamay sa kanyang likod. Kaya bago nito makalabit ang gatilyo ng baril ay naunahan na niya ang kalaban, Hindi man niya ito napuruhan ngunit nailayo niya sa panganib ang kapatid. Nilabanan niya ito ng mano mano, at nakipagbuno siya dahil may tama sa balikat ang kalaban higit siyang nakadepensa, nahuli nila ito at naisalba ang buhay ng kapatid, siguro kung hindi

