Chapter 14 Nagyaya na tumambay si Cris sa club. At pumayag ako dahil matagal na din iyong huli naming hangout. Pero ngayon nga lang ay kulang dahil wala si Jane at Niall na kapwa busy dahil sa trabaho. Dati bago kami nagkaroon ng kanya-kanyang trabaho at naging busy ay once a week nagkikita-kita kaming magbabarkada or magyaya na magclub. Ganoon ang bonding at hangout namin. Medyo nabago lang iyon ng naging busy na kami lahat sa trabaho lalo na sa mga schedule although kahit kami naman ang mga boss sa sariling kompanya ay hindi pa din maiiwasan na magkasalungat ang mga free time namin. Lalo na at madalas pang out of the country si Jane at si Niall. Sa Red Light kami tumambay tulad ng nakagawian. "Mukhang hiyang mo ang alaga ni Gray ah!"bati ni Alona ng dumating ako. Andoon na silang t

