Chapter 12 Akala ko pagkatapos sa office niya ay uuwi na kami diretso sa mansion pero nag-aya si Gray na kumain kami sa labas at pumayag naman ako. May mga nakakilala saamin sa restaurant na kinainan namin at may mga lumapit para batiin kami. Kilalang-kilala ang mga Salazar kaya siguro kahit saan ay may nakakakilala sakanya. "I really can't believe it. Kasal kana nga talaga!"ani ng babae na sa tingin ko ay isang model. Gray nod his head lightly habang patuloy sa pagkain. Ganoon din naman ang ginawa ko pero di ko mapigilan ang manuod sakanilang dalawa. Parang matagal na silang magkakilala. Don't tell me...childhood friend din siya ng lalaki? Ang dami naman niyang childhood friend? I raised my eyebrows. "And you changed a lot."hindi makapaniwalang sabi ng babae."I wonder what changed

