Chapter 1

2419 Words
NAITULAK ni Natassa si Tanner nang biglag tumunog ang cellphone niya na nasa kanyang bulsa. “s**t! Si Daddy!” bulalas niya nang malamang daddy niya ang tumatawag. Kumagat-labi si Tanner. Puno ng frustration ang mukha nito dahil sa hindi natuloy na paghalik sa kanya. “Answer his call,” sabi nito. Matamang tumitig siya sa binata. Pagkuwan ay sinagot niya ang tawag ng kanyang ama. “Where the hell are you? It’s time to sleep!” galit na sabi ng daddy niya. “Uhm, I’m just around, Dad. Actually, I’m here in my room now,” pagsisinungaling niya. “I’ll check you. Bye.” “f**k!” inis na sabi niya. “It’s okay, honey. Marami pa namang pagkakataong magkita tayo. Maybe we will have another fight one day. I’ll see you soon,” ani ni Tanner. “I’m sorry. I have to go. I love you,” sabi niya saka hinalikan sa pisngi ang boyfriend niyang matagal niyang itinatago sa kanyang pamilya. “I love you too,” nakangiting sagot nito. Pagkuwan ay nag-teleport siya pauwi sa bahay nila. Sa kuwarto niya siya napadpad. Naghubad kaagad siya ng warrior attire niya na armor suit at nagsuot ng puting pantulog. Nagmadali siyang humiga sa kanyang kama. Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Bumangon siya at ginulo ang ga-balikat niyang buhok saka tinungo ang pinto. Nagdrama siya na inaantok nang makita niya ang kanyang ama. Sinuyod siya nito ng tingin. “I’m tired, Dad. I want to sleep,” malumanay na sabi niya. “Let’s talk, first,” sabi nito. “Dad, bukas na.” “I want to talk to you, now!” Napalunok siya. Inayos niya ang kanyang buhok saka tumayo nang tuwid. Sumunod siya sa daddy niya sa study. Kinakabahan siya. Umupo siya sa katapat nitong sofa. May hinahanap ito sa cellphone nito. Hindi siya mapakali. Mamaya ay pinakita sa kanya ng daddy niya ang litrato na nasa cellphone nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kanyang sarili sa litrato na kasama si Tanner na magkahawak ang mga kamay. “Tell me who this guy is?” mahinahong tanong nito. Paulit-ulit siyang lumunok. “Uhm, he’s m-my friend, Dad,” gumagaralgal na sagot niya. “Don’t lie to me, Natassa, I can read your mind. I know you lied. Pumunta sa kuwarto mo kanina ang mommy mo pero wala ka. Wala ka rito sa bahay at wala ka rin sa academy.” Lalo siyang inalipin ng kaba. Hindi siya makatingin nang deretso sa mga mata ng daddy niya. “Now, tell me who the hell this guy is?” muli’y tanong nito. Hindi pa rin siya sumagot. Nilamon na siya ng takot. “Natassa!” paasigaw nang sambit nito. Kumislot siya at napilitan siyang tumingin dito nang deretso. “B-boyfriend ko, Dad,” mabilis niyang sagot. Biglang nanlisik ang mga mata ng daddy niya. Marahas itong tumayo. Sinundan niya ito ng tingin. “Miyembro siya ng black ribbon soldier. How dare you!” asik nito. Napatayo siya. “I love him, Dad!” giit niya habang nag-uunahan sa pagpatak ang kanyang mga luha. “I don’t care! Loving an enemy is embarrassing for our family, Natassa! Forget that man or I’ll kill him!” Naghimagsik siya. “Kill him! You better kill me too!” sabi niya. Biglang tumama sa pisngi niya ang palad ng kanyang ama. Napasubsub siya sa sofa. Dagli siya nitong nilapitan at pinisil ang kanyang baba. Tumitig siya rito. “Huwag mong ubusin ang pasensiya ko, Natassa. Lahat ng gusto mo, ibinigay ko. Binigyan kita ng pagkakataong masunod ang gusto mong maging mandirigma, pero ito lang ang hindi ko gusto sa lahat ng ginawa mo; ang umibig sa maling lalaki,” nanggagalaiting sabi nito. “Then tell me who’s the right guy for me?” emosyonal na tanong niya. Labis nang naninikip ang dibdib niya. “He will come at the right time. You can’t force anything to happen. Bata ka pa. Maraming mas deserving na lalaki. Hindi kita pinalaki nang ganyan para lang mapunta ka sa isang bampira na nasa panig ng kaaway.” “I can change Tanner and convince him to be one of us.” “Shut up! I don’t like him!” singhal nito. “Hindi ka makakalabas ng bahay, naintindihan mo?” sabi nito saka siya iniwan. Kahit nagmatigas siya ay wala rin siyang magagawa. Humagulgol na lamang siya. HINDI lumabas ng kuwarto si Natassa kahit ilang beses na siyang tinawag ng kapatid niya para kumain. Buong araw siyang nagmukmok sa kuwarto at nakahilata lang sa kama. Narinig niyang bumukas ang pinto. Naramdaman niya ang presensiya ng mommy niya. Lumuklok ito sa kanyang tabi, sa kanyang likuran. Hinaplos nito ang braso niya. Nangilid na naman ang luha niya. “Anak, tama naman ang daddy mo. Sumunod ka na lang sa kung ano ang gusto niya. Para rin naman sa‘yo ang paghihigpit niya,” sabi nito. Lalo siyang nairita. Bumalikwas siya nang upo at humarap sa kanyang ina. “Why, Mom? Why Dad don’t understand me?” humihikbing tanong niya. “He just wants to give you a better future.” “Better future? What kind of future? To have a husband that I didn’t love? Paano ba kayo nagmahalan? Arranged relationship? Hindi ‘di ba? Pinakasalan ka niya dahil mahal ka niya, not because of that f*****g legacy!” “Stop blaming your father, Natassa. He knows what he does. Hindi siya magdedesisyon na makakasama sa ‘yo.” “I know, and I understand that. Pero ‘Ma, hindi na ako bata. At bakit ba hindi ka man lang magdesisyon para sa akin? Why Dad? Wala ka bang karapatang umangat naman? You always defend on his decision.” “Because your dad knows how to handle everything in this family.” “And you’re not?” “I just love your dad. Alam ko naman na lahat ng ginagawa niya ay para sa ating lahat. Please, don’t get him wrong.” Bumuntong-hininga siya. “Fine,” aniya saka siya humigang muli patalikod sa kanyang ina. Hinagkan siya nito sa ulo. Pagkuwan ay tumayo na ito at walang imik na umalis. Humagulgol na naman siya. Hindi na niya makakausap si Tanner dahil kinuha ng daddy niya ang kanyang cellphone. Hindi rin siya makatakas dahil namo-monitor nito ang kilos niya. Sa loob ng isang linggo na pagkakulong sa bahay ay inalipin ng pagkainip at depresyon si Natassa. Nang nalaman niya na umalis ng bansa ang daddy niya ay nagdesisyon siyang lumayas. Hindi siya makapag-teleport dahil nai-block ng daddy niya lahat ng spiritual niyang kakayahan. Umalis siya sa bahay nila na malapit lang sa academy. Kailangan niyang makaalis sa islang iyon. Nagtungo muna siya sa academy at uminom ng blood juice. Kailangan niya ng lakas para sa kanyang paglalakbay. Hinintay niyang dumilim bago siya nagtungo sa paliparan sa rooftop kung saan nakaparada ang mga sasakyang panghimpapawid. Umakyat siya sa pinakamaliit na aircraft. Nagamit na niya iyon noong nagsasanay siya magpalipad ng aircraft. Nakaupo na siya sa harap nang napansin niya na naka-lock lahat ng monitor. Kailangan daw ng authorized finger print para mapaandar ang sasakyan. “s**t! Sino ba ang piloto nito? Ang witty!” inis na sabi niya. Maya-maya ay may naramdaman siyang sumampa sa aircraft. Gumapang siya palabas ngunit hindi siya umabot sa pintuan dahil may nakapasok nang kalalakihan. Sumuot siya sa ilalaim ng mahabang upuan. Nakita niya ang mga nakasapatos na mga paang pumasok. May isang lalaki na umupo sa ibabaw niya. May dalawang umupo sa katapat na upuan. “Wala na bang naiwan? Aalis na tayo,” sabi ng pamilyar na boses ng lalaki. “Wala na,” sagot ng lalaking umupo sa kinukublian niya. Pilit niyang itinatago ang aura niya para hindi siya maramdaman ng mga ito. Mga bampira pa naman ang mga ito. “Okay. Let’s go,” sabi ng lalaking nakatayo. Mamaya ay nagsara na ang pinto at umandar ang makina ng aircraft. Naisip niya, mas mabuti nang nakasakay siya roon. Bababa na lang siya kung saan hihinto ang mga ito. Makalipas ang ilang minutong paglipad ng aircraft ay bigla itong huminto sa hindi magandang lupain. Kamuntik pa siyang maihagis dahil sa lakas ng pag-alog. Nagtataka siya bakit nagkakagulo ang mga lalaki. Nang magsilabasan ang mga ito ay lumabas na siya sa kinukublian niya at inalam kung ano ang nangyayari sa labas. Sumilip siya sa bintana. Nagulat siya nang makitang may kaaway na ang mga bampirang sakay ng aircraft. Nay pumasok na kalalakihang balot ng itim na kasuotan mula ulo hanggang paa. Napasubo na siya. Hinarang niya ang mga ito at pinagsisipa sa ulo. May pumasok pang tatlong lalaki. Hindi niya napansin ang isa na bigla siyang tinadyakan sa likod. Tumilapon siya at sumubsob siya sa sahig. Nakita niyang bumukas ang pinto sa pilot cabin at lumabas ang piloto. Sinalubong ito ng dalawang lalaki. Nabaling ang tingin niya sa kapapasok na kalalakihan. Bumangon siya at sinugod ang mga ito. Nagpalit na siya ng anyo at isa-isang nilaslas sa leeg ang mga kalaban gamit ang mahahaba niyang kuko. Ang ibang papaakyat pa lang ay sinipa niya saka niya isinara ang pinto. Hindi na nakapasok ang iba pa. Biglang tumahimik. Akmang lilingon siya sa likod ngunit may matulis na bagay na nakatutok sa batok niya. Itinaas niya ang kanyang mga kamay. Ibinalik niya sa normal ang kanyang anyo nang maramdaman niya na hindi kaaway ang nasa likuran niya. Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa lalaki. Dagling bumalik sa normal ang anyo ng piloto. Doon laman niya nakita nang malapitan ang mukha nito. Nagulo ang ga-batok nitong kayumangging buhok na aalon-alon. Lumalago na ang katutubong balbas nito. Matangkad ito ng isang dangkal sa kanya kaya tinitingala niya ito. Malaki ang pangangatawan nito na sinuotan ng makapal na abuhing jacket. Tumitig siya sa light brown nitong mga mata. Napakaseryoso nito. “What the hell are you doing here, lady?” tanong nito sa baritonong tinig. Obvious na hindi nito alam ang pangalan niya pero alam niya namumukhaan siya nito. “Uh, n-nakatulog ako rito kanina nang biglang umandar. Nagtago na lang ako,” sagot niya. “Hindi ka dapat nandito,” sabi nito saka siya tinalikuran. Bumalik ito sa ulo ng aircraft at sinubukang buhayin ang makina ng sasakyan. Sinundan niya ito. “What’s wrong?” tanong niya nang mapansing ayaw umandar ng makina. “May leak ang daluyan ng fuel kaya natuyuan kaagad at may damage ang engine,” sabi nito. “Damn! Anong klaseng piloto ka? Dapat tsini-check mo ang fuel at engine bago magpalipad ng eroplano. Paano na tayo makaakalis nito?” palatak niya. Marahas na tumayo ang lalaki. “Huwag ako ang sisihin mo. Kasalanan ito ng technician. Isa pa, wala kang karapatang magreklamo dahil nakisakay ka lang. Doon ka sa labas at maghintay kung kailan tayo makaaalis,” supladong sabi nito. Namaywang siya. “Hindi mo ba ako kilala?” aniya. “I know you. Anak ka ni Sir Trivor, but I don’t remember your name,” sabi nito habang may hinahalungkat sa bag nito. “I’m Natassa. Ikaw? Kilala lang kita sa mukha.” “Mas mabuting sa mukha mo lang ako makilala. Lumabas ka muna, ayaw ko ng maingay,” sabi nito. “What?” “Labas na!” pilit nito at itinulak pa siya palabas at pinagsarhan ng pinto. Tinadyakan niya ang pinto. “Hoy! Mayabang!” nanggagalaiting sigaw niya kahit alam niya’ng hindi siya nito naririnig. Kinuha na lamang niya ang kanyang bag saka dinala papasok ng banyo. Abot lalamunan ang inis niya habang naghuhubad ng damit. Napuno ng dugo ang damit niya mula sa mga kalaban. Maliit lang ang shower room at katabi lang ng toilet. Ni walang harang. Mabuti na lang may sabon doon. Kinuskos niya maigi ng sabon ang katawan niya. Maya-maya ay nabitawan niya ang sabon nang biglang bumukas ang pinto at patakbong pumasok ang piloto. “s**t!” bulalas nito. Sa halip na sumigaw ay natulala siya. Wala siyang makapang tuwalya. Ang inihanda niyang damit ay sa lababo lang niya ipinatong. Tumalikod na lamang siya habang hindi malaman kung paano ilabas ang inis niya. Pinulot niya ang sabon at inihagis sa lalaki. Nasalo lang nito iyon. “Damn you! Bastos!” asik niya habang nakatalikod dito. “Ikaw ang bastos, hindi ka nagsasara ng pinto,” mahinahong sagot nito. “Nakalimutan ko lang isara! You asshole! Nag-e-enjoy ka pa riyan! Get out!” gigil na bulyaw niya. “Ikaw ang lumabas! Ang sakit na ng tiyan ko!” “No! Tiisin mo ‘yan!” “Bahala ka. Takpan mo na lang ang ilong mo,” sabi nito at lumapit pa sa kanya. “s**t! f**k you, asshole! Errr!” Nang namataan niya itong nakaluklok na sa inidoro ay patalikod siyang dumaan sa harapan nito. “Nice butt,” narinig niyang sabi nito. Pinulot niya ang nilaglag niyang pantalon na hinubad niya saka ibinato sa lalaki. Pagkuwan ay kinuha niya ang kanyang damit saka lumabas. Para siyang atakihen sa puso sa sobrang inis. Nagmadali na siyang nagbihis. Pagkuwan ay sumilip siya sa bintana. Wala nang mga bampirang kaaway sa labas. Puwede na siyang tumakas. Bibitbit niya ang kanyang bag ngunit pagdating niya sa pinto ay naka-lock na ito. Papasok sana siya sa pilot cabin pero naka-lock. “Damn!” inis na sabi niya. Nang lumabas na mula banyo ang lalaki ay sinugod niya ito. “Hey! Open the door!” paasik na utos niya rito. “You’re not safe outside. Nasa boundary tayo ng kota ng black ribbon soldier,” sabi nito. “I don’t care. Just open the door and I’ll go out,” giit niya. “No.” “Do it!” “Sino ka ba para utusan ako?” sabi nito. Tinalikuran siya nito. Pumasok na ito sa ulo ng aircraft at dagling isinara ang pinto. Nagulat siya nang biglang umandar ang makina. Maya-maya lamang ay umaangat na sila. Tumakbo siya sa pinto na kinaroroonan ng lalaki at kinalampag. “Hey! Open the door!” sigaw niya. Biglang may bumundol sa sasakyan nila at umalog nang malakas. Tumalsik siya sa sulok at nabagok ang ulo niya sa matigas na bagay. Bigla na lamang nagdilim ang paligid niya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD