ALEXA's POV
"Alexandria, let's go!" Kuya said.
"My god! for how many times I told you Kuya. H'wag na h'wag mo akong tawagin using my full first name" sabi ko sa kanya sabay irap.
"Wow? ang arte naman nito" sabi naman ni Kuya sabay talikod sa akin.
"Hoy! Prince Alexzeus J -" 'di ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla nalang siyang sumabat.
"Don't you ever call me using my full name" Kuya said habang tinitingnan ako ng masama.
I just smirk.
"Now, quits na tayo" sabi ko sabay tinapik ang balikat niya.
Sumakay na ako sa kotse niya. Tinatamad kasi akong magmaneho kaya ito. Makikisabay nalang ako sa kanya since we're in the same school lang naman.
Oh! before I totally forgot. Let me introduce myself properly first. I'm Princess Alexandria Daphne Fordeux. Haba ng name ko 'no? hahaha . I am 18 years old and a first year college student. And itong mokong na katabi ko ngayon ay walang hiya . . . este walang jowa . . . ayyy! I mean walang iba kundi si Prince Alexzeus John Fordeux. He's also 18 years old and a first year college student too. He's my elder brother. Yup, Elder brother ko 'yan kasi we're twins. Identical twins to be exact. Mas matanda lang siya sa akin ng ilang minuto.
"Nandito na tayo, Princess"
"Alam ko" pambabara ko sa kanya.
Ang sarap kasi niyang barahin kasi pikon hahaha
"Tsk! bumaba ka na nga lang sa kotse ko. Ang panget mo" sabi niya.
"Wow? Magkamukha tayo kaya you're not excuse!" sabi ko sa kanya at bumaba na ng kotse.
Pagkababa ko sa kotse ni Kuya agad naman niya itong pinaandar at pumunta na sa engineering department building. He's taking up chemical engineering while I'm taking BSED major in English. Why English? because English is fun.
While walking in the hallway, bigla nalang may anim na lalaki ang humarang sa harap ko kaya hindi ako agad makadaan. Tinaasan ko naman sila ng isang kilay. Instead na matakot ay ngumiti lang ang mga loko at niyakap ako. A group hug from my boy besties.
"Good morning, Princess namin" Lance said at inakbayan ako
"What's good in the morning, Lance?" mataray na tanong ko sa kanya.
"Paktay ka, Lance" Alucard said.
"Ahhmm . . . " Lance.
Napailing nalang ako. Yup, you've read it right. I'm their princess. Not because name ko 'yon but I'm their princess kasi ako lang ang nag-iisang babae sa squad namin. I'm one of the baes but that doesn't mean na Bi ako or lesbian. Ewan ko ba pero mas masaya ako pag sila kasama ko and I feel so secure as well.
"Tara na nga baka ma huli pa tayo sa mga kagaguhan niyo" sabi ko sa kanila.
"Ma'am, Yes Ma'am" sabay nilang sabi at nag salute pa sa harap ko.
Napailing nalang ako sa mga kalokohan nila. Yup, mga gago at loko-loko ang mga 'yan pero trust me. Hindi nila kayang manggago at manloko ng babae. Takot sila sa akin eh.
"Naka gawa kayo ng assignments?" I asked them out of nowhere.
Nataranta naman si Dyrroth dahil sa tanong ko.
"Hala! Seryoso? may assignment tayo? Bakit 'di niyo ko sinabihan kahapon?" Dyro asked
"Teka! Wala tayong assignment 'di ba?" Nagdadalawang tanong ni Alucard.
I just rolled my eyes.
"Panira ka ng moment eh!" Granger said at binatukan si Alu.
"Bakit? ano bang ginawa ko?" Alu.
"Napaka slow mo talaga minsan Alucard!" Johnson
"Taena! kinabahan ako doon ah!" Dyro.
Isa sa reason bakit masaya ako pag kasama ko sila kasi look what is happening right now hahaha.
Let me introduce my squad also known as the ML Squad. Ewan ko ba sa mga parents nito adik siguro sa ML.
Dyrroth Alvarez
- the sleepy head pero nakaka perfect kapag may quiz by the help of Vale.
Vale Fuentes
- the man with few words. Laging sandalan ni Dyro kapag may quizzes.
Alucard Gonzales
- the slow, slower, slowest kaya laging nababatukan pero matalino 'yan. Tanga lang talaga minsan.
Granger Flores
- the gwapong nerd. Hindi naman talaga siya nerd pero trip niya lang mag eyeglasses
Lance Santander
- the matanglawin ang bilis makakita ng magaganda eh.
Lastly.
Johnson Cortez
- the peace maker ng squad namin pero minsan siya pa nagsisimula ng kaguluhan.
Nandito na pala kami sa tapat ng room ngayon
"Good morning" bati ko sa mga kaklase ko.
"Good morning din, Pres." bati nila pabalik sa 'kin.
"Pres, mukhang 'di ka na yata magkakajowa niyan dahil sa dami mong bodyguards" Akesha said.
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.
"Kaya nga, Pres. mukhang mas strict pa sila kesa sa Kuya mo" Sam.
"Hayaan niyo na. Wala din naman akong balak pumasok sa relationship na 'yan puro pasakit lang naman dulot niyan" sabi ko sa kanila.
Hala! Ang bitter ko naman. Pumalakpak naman 'yong anim sa likod ko maging iba naming kaklase pumalakpak na din. Umupo nalang kami sa mga pwesto namin kasi saktong dumating na din 'yong prof namin sa Teaching Profession.
"Good morning class!" Prof.
"Good morning, Sir" bati namin pabalik sa kanya.
"Okay, let's proceed with the unfinish reporting last time. Where are the reporters? Please proceed here in front. So that you can start you report already" Prof.
Tumayo naman agad 'yong mga kaklase ko na magre-report. After reporting nag pa quiz agad si Sir regarding sa report which is the Code of Ethic for Professional Teachers.
"Okay, we've got some perfect here. We have Alexandria, Vale, Alucard, Lance, Granger, Dyrroth and Johnson. Around of applause for them class" Prof.
Nagsipalakpakan naman sila
"Let's call it a day. Good bye, Class" Prof.
"Sana all perfect" mga kaklase namin.
Natapos na din 'yong klase namin for this day. Puro reporting lang naman ang mga ginawa namin.
"Ano na?" Johnson asked out of nowhere.
"Wala pa namang ganap doon eh! boring na masyado" Granger said.
"Sabi niyo pa" Alucard.
Natigilan naman kami sa paglalakad ng biglang mag ring 'yong phone ko. I immediately get it from my pocket and answer the call.
"Hello?"
"Daph, we need you guys here. Natawagan ko na kapatid mo and he said on the way na daw siya. I guess, kasama mo naman ang mga boys diyan kaya sumabay ka nalang sa kanila" Selena.
"Sige, copy. We're on our way" Sabi ko sa kanya.
"Selena?" them.
I nodded as a response.
"Let's go" Johnson said
Agad naman kaming tumakbo papunta sa parking lot. Kay JS na ako sumabay
"Hold tight, Princess" JS.
30 minutes lang 'yong byahe namin at nakarating kaagad kami sa pupuntahan namin.
"Good day, Agent Eagle" Guard.
Nginitian ko lang ang guard namin. Di lang 'yan basta guard. 20's palang 'yan and agent din 'yan.
"Good day, ML Squad" natatawang bati ni Jake sa boys
Jake pala ang name ng guard namin.
"Wazzup Jaketot?" Lance.
"Let's go boys" tawag ko sa kanila.
Nagpaalam muna ako kay Jake na aalis na kami at tumango naman siya as a response.