I'm just staring at the ceiling for hours now.
Tangina kasi. Tangina talaga. Ayokong lumabas!
Gumulong gulong ako sa higaan pero hindi pa din ako inaantok. Napabangon ako ng tamaan ako ng sikat ng araw kasabay ng pagkatok sa pintuan ko.
Sikat ng araw?! So ibig sabihin umaga na? At hindi pa nakaka alis si Apollo?!
Patakbo kong binuksan at pinto at napahinto ng makita syang kakatok sana ulit. He smiled and attempted to enter my room when I stop him by putting my hand in front of him.
Nagtataka naman syang tumingin doon at sa akin. I sighed, "Huwag kang lalapit." Sabi ko na nagpakunot sa noo nya.
"Why?" Tanong nya na halos ikairap ko. Tanga ba sya?! Huminga ko ng malalim dahil unti nalang at masisigawan ko na tong lalaking to.
"Syempre, don't you remember what happened kagab—."
"Oh! I just remembered. Kumatok lang ako para sabihin na papasok na ako at kumain kana." Pagputol nya sa akin na ikinanganga ko.
"H-huh?" I confusedly asked but he just smiled and leave me here. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto hudyat na nakalabas na sya.
Nakatulala lang ako habang naglalakad papunta sa kusina. May pasok pala kami...
May pasok kami! I hurriedly run to my room and take a bath. Nagsuot lang ako ng jeans at simpleng t shirt. I almost forgot to brush my hair kaya bumalik ulit ako sa condo. Late na ako!
Palabas na ako ng condo ng maalala kung bakit ba ako nagmamadali? Hindi naman talaga ko huwarang studyante. And with that, pa chill chill lang akong naglakad hanggang sa makarating sa room.
Uupo palang sana ako ng biglang mag bell hudyat na lunch na. Eh?!
Napalingon ako sa umakbay sa akin habang tawang tawa, "Miss, alam mo bang hapon na?" Asar sa akin ni Xander kaya siniko ko sya sa dibdib.
I haven't eaten my breakfast and lunch yet.
"Sabay na tayo!" Sigaw na Xander pero hindi ako huminto sa paglalakad. Hahabol din naman sya. Palabas na ako ng gate ng makita ko sya sa tabi ko. Ang laki ng ngisi na akala mo tanga.
"Date ba to ulit?" Kinikilig na sabi nya kaya piningot ko sya sa tenga at hinila na palabas. Papunta na kami sa mall ng may humawak sa balikat ko. Instinct ko na ang lumaban kaya agad kong hinawakan ang braso non at pinalipit. Palit na kami ng pwesto ngayon. I'm already at his back while holding his hand. I smirked when I saw a tattoo at his neck, it's a worm. Tangina, papa tattoo nalang uod pa.
Natulala naman si Xander sa akin kaya agad kong binitawan yung lalaki. He immediately run for his life.
"Kilala mo sila?" I asked but he's still in shock so I just let him. Hinila ko ulit sya para makapasok na kami. I stretched my arms dahil matagal na pala simula nung lumaban ako ng pisikal. I suddenly missed my life in the present time.
"A-ano." First word ni Xander habang nakatingin sa akin. Mukha syang kinakabahan kaya natawa ko.
"Don't worry, hindi naman kita gaganunin." Natatawang sabi ko na inilingan naman nya.
"Ano kasi." Sabi nya napakamot pa sa likod ng ulo. I stopped walking and turned to him.
"Is there a problem?" Tanong ko dahil para na syang maiihi sa takot. Umiling naman sya at biglang tumango din. Nagtataka na talaga ako sa kinikilos nya.
"Yung kanina." He said again na inirapan ko.
"Sinabi ko naman sayo, I won't do that on you. Bakit parang takot na takot ka?" Seryosong sabi ko na pero hinawakan nya lang ako sa kamay at hinila. We're now in a quiet hallway. Wala masyadong dumadaan dito.
"What now?"
"Mamaya hindi ako papasok. Siguro bukas din, at sa mga susunod na araw." Sabi nya at tumingin tingin sa paligid. I nodded slowly and observe his actions.
"May pinagtataguan ka ba?" I asked that made him turned to me with wide eyes. Umiling sya at tumawa.
"Wala. Ayoko lang pumasok. Sana wag mo ako na miss ha?" Pagbibiro nya pa. Ngumuso ako at tatanungin pa sana sya but he pulled me again.
"Tara. Uwi n-na tayo." Sabi nya at nagmamadaling hinatak ako palabas ng mall. Halos tumakbo na sya papunta sa school ng may humarang sa amin.
Katulad ng lalaki kanina, may tattoo sila na bulate. Tumaas ang kilay ko ng ma realize na hindi normal na tattoo yung meron ang lalaki kanina. I bet they're part of an organization or fraternity.
Excited akong ngumiti dahil mukhang mapapalaban na naman ako but it faded when I saw Xander's face. Hindi ko alam kung nagaalala ba sya o ano. Pero alam kong natatakot sya.
"Paalisin nyo tong babae." Matapang na sabi ni Xander habang nakahawak sa akin. Tumawa naman ang mga lalaki sa harap namin na parang nang aasar.
"Bakit? Natatakot ka na saktan namin ang girlfriend mo?" The man said and laughed again. Natawa ako kaya sabay sabay kaming tumatawa ngayon. Nang ma realize nila iyon ay tumigil sila.
"I'm no one's girl." Sabi ko habang natatawa. But I remembered Apollo. Kapag narinig nyang sinabi ko ito ay sasabihin nyang, "you're mine."
Natawa ang lalaking nagsalita kanina at tumingin kay Xander.
"Long time no see, X." He said and smirked. I smirked too and turned to Xander. Wala ng mababakas na takot sa mukha nya pero hindi nya pa din ako binibitawan.
"Papasok na kami." Paalam nya at hinila ako para maka alis but another group of men appeared in front of us. And then another, and another.
"We're being cornered." Masayang sabi ko na ikinakunot ng noo nya.
"Bakit ang saya mo pa? Nas stress na ako sa kakaisip ng paraan kung paano kita maaalis dito ng buhay." Sabi nya at ginulo ang buhok.
I giggled, "Kaya ko ang sarili ko."
"Mamaya na tayo mag usap, E. Papasok muna kami." Sabi ni Xander at sinubukang hawiin ang isang lalaki. But in my surprise, Xander hit the man's nape using his hand that made it unconscious. Galit na sumigaw ang lalaking kausap namin kanina ng hinila na naman ako ni Xander para tumakbo. Umikot kami sa mall hanggang sa mailigaw namin ang mga tao kanina.
Dumaan pa kami sa isang hindi pamilyar na kalye bago ko nakita ang gate ng school. May daan palang ganon?
"Is that a shortcut?" Namamanghang tanong ko pero hindi nya na ako nasagot dahil hinahabol nya ang hininga nya. He didn't let go of my hand kahit nasa loob na kami ng school.
Nang makabawi sya ay ngumiti sya sa akin na parang walang nangyari. Pawis na pawis kami pero natatawa ako dahil tumakbo kami.
I'm not that kind of person—running from a battle field. But when I know I'm lugi, syempre tatakbo ako. Siguro ganon din ang naiisip ni Xander kaya no choice kami kung hindi tumakbo.
"Kumain muna tayo." He said and pulled me again papunta cafeteria. But instead of entering, hinila ko sya papunta sa hallway ng bathroom.
I pinned him against the wall and tried to opened his uniform. Nanlaki ang mga mata nyang nakatingin sa akin. He's even holding my hand na parang pinipigilan ako sa gagawin.
"Shy type ako tapos virgin pa. Re-r**e-in mo ba ako?" Sabi nya ng seryoso dahil naghahabol pa din sya ng hininga ngayon. I shooked my head and tried to opened his uniform. May gusto lang akong malaman.
"H-hoy, miss!" Sabi nya kaya no choice ako kung hindi sirain nalang ang damit nya. I can hear the sound of the falling buttons dahil tahimik ang hallway.
"Hala!" He shouted and hide his body from me. I smirked when I saw what I'm looking for.
Tama nga ako.
I put my hair sideways because of the sweat, pakiramdam ko ay ang dumi ko kahit na tumakbo lang naman kami.
I'm staring at his tattoo on his chest. Nakita nya iyon kaya naging seryoso sya. Nawala na ang nakilala kong Xander.
"Please, wag mong—." He was cutted when he heard some students passing by. Pinagpalit nya ang pwesto namin kaya ako na ngayon ang naka pin sa wall. Bored akong tumingin sa kanya dahil alam ko na ang sasabihin nya.
"Yeah, yeah. I won't tell anyone." Sabi ko na nagpapikit sa kanya. Nakayuko na sya ngayon na parang nagiisip.
"Why did you join a frat?" I asked but he remained silent.
Nanlaki ang mata ko ng bigla nalang syang nawala sa harap ko. Sobrang bilis ng pangyayari at nakita ko nalang syang sinasapak ni Apollo. He looks so mad kaya hindi ko alam ang gagawin ko. He can kill Xander!
"Apollo!" Napalingon ako sa kabilang banda kung saan nanggagaling yung sigaw. We both shouted his name—me and Zenia.
Patuloy pa din sya sa pagsapak kay Xander na duguan na ngayon. Lalapit na sana ako ng maunahan ako ni Zenia. Niyakap nya si Apollo sa likod at sinubukang ilayo. Pero masyadong malakas si Apollo kaya wala din syang silbe.
Lumapit ako at iniharang ang katawan ko para hindi nya na masapak si Xander. I know he can't and won't hurt me.
True enough, hinihingal syang tumigil kaya tumingin ako kay Xander na wala ng malay ngayon. I sighed and look at Apollo who's now looking at me with his dark eyes. Wala syang sinasabi pero kilala ko na sya. He's mad but hell I care. Bigla bigla nalang syang nangsasapak ng wala sa lugar!
I shooked my head in disappointment while staring at him. Sya naman ngayon ang napahinto. Zenia tried to talk to him but he's just staring at me.
I turned to the bloody Xander. Wala pa din syang malay hanggang ngayon so I tried to wake him up. May dumaan na ilang lalaki kaya tinawag ko sila para magpatulong. Sinabi ko na idala nalang sa hospital ang lalaki dahil may kailangan pa akong kausapin.
Sabay silang napatingin sa akin. Gusto kong umiwas ng tingin ng makitang sobrang lapit ni Zenia sa kanya na akala mo close na close na sila.
"Avabelle—."
"Why did you do that?" Seryosong tanong ko dahil hindi ko sya maintindihan. Hindi naman sya ganon, bigla bigla nalang susugod o mananakit ng walang dahilan.
"Let's go home." Sabi nya at bigla nalang iniwan si Zenia at hinila ako. We both stopped when we heard Zenia's question.
"Home?" Naguguluhang tanong nya. I saw Apollo licked his lips—he's only doing that when something's wrong.
"Yeah. She's my sister. Excuse us."