"Alam mo minsan hindi ko gusto ang mga naiisip mo." Sabi ko habang inaayos ang gamit. I can't believe na magaaral na naman ako!
"Sigurado ka?" Tanong nya pa at tamad na kinuha ang bag nya.
"Oo! Lalo na ngayon!" Irap ko at binitbit ang bag. He chuckled and started walking to the door.
"Paano kung naiisip ko na pakasalan ka? Hindi mo pa din gusto?" I froze on my spot at his words. A-ano daw?
"Hoy gago kaba?!" I shouted and followed him palabas. Paasa!
-------
Nang makarating kami sa school kung saan magaaral si Zenia, kinuha namin ang schedule na kaparehas ng kanya kaya magkaklase kami sa buong sem. Nakasunod lang ako kay Apollo na pinagtitinginan ng mga babae dahil malamang! Ang pogi nya kaya palagi.
Lalo na ngayon! I groaned and sumabay sa kanya maglakad para malaman ng ibang babae na off limits na sya. I even saw one of them rolled their eyes. I smirked, I'm sorry girls, he's mine.
I heard Apollo chuckled and get my hand, napakagat ako sa ibabang labi ng ipag intertwined nya yon kaya para kaming mag jowa na naglalakad. I mean, ganito kami palagi kapag sa public kahit nung nasa present time pa. Pero hindi pa din ako sanay, duh?
"Ayoko na ata bumalik sa present time, ah?" Biro ko na ikinatawa na naman nya.
"Ako din. You're different in this time." Sabi nya na ikinatahimik ko.
"Is it bad? should I stay like the present Avabelle?" Nagaalala kong tanong dahil importante sa akin ang sasabihin nya. Ofcourse, disappointing him is last thing i'd do, though i've done it before already.
"No, I love every--." Hindi nya tinuloy ang sasabihin nya at hinigpitan nalang ang kapit sa kamay ko. Nagtataka man ay sumunod nalang din ako sa kanya dahil sya ang nakaka alam ng school na ito. Binitawan nya ang kamay ko ng makarating kami sa pinto ng room.
"Find Zenia and be friend her. We'll meet after class." Sabi nya at naunang pumasok. Lalong kumunot ang noo ko dahil sa arte nya, same room din naman kami ah?
I just shrugged and entered the room after minutes of waiting outside. Nilibot ko ang tingin at napangisi ng makita ang target namin. Dahan dahan akong lumapit sa kanya na tahimik sa isang gilid at nagbabasa ng libro. I poked her arms na nagpatalon sa kanya sa gulat, I also jumped in shock because of her reaction. What the f**k?
She's pretty yes, but I'm prettier. May bangs sya na pito ang hati at naka glasses pa. Halata naman na nerd sya dahil una, graduate na sya ng college pero nagaaral na naman sya. Pangalawa, sobrang kapal ng salamin nya, ano kayang grado non? Pangatlo, nahilo ako dahil sa kapal ng hawak nyang libro. Pang apat, wala syang fashion sense! Mukha syang manang, no offense.
"S-sorry. How may I help you?" Magalang na tanong nya ng makabawi. Iirapan ko na sana sya ng bigla kong maalala na nasa mission pala ako so I need to act.
I smiled in a friendly way, ngunit napangiwi din ng maisip na mukhang plastic siguro ang ngiti na yon dahil wala naman akong ibang kaibigan bukod kay Apollo. I sighed and just pouted.
"Pwede makiupo?" I asked and pointed at the seat beside her. Alanganin pa syang tumango at bumalik na sa pagbabasa. Hindi ba sya nabo boring don? Sobrang kapal kasi na akala mo nakasulat doon ang bawat detalye sa mundo. Kung ako sa kanya ay hindi ko iyon babasahin at magda drop out na sa law school na to para ma enjoy ang teen age years ko.
Kahit hindi ako marunong makipag friends, marunong naman ako umarte dahil na din sa organization. I poked her again and smiled normally.
"I'm Avabelle Shivani, but you can call me Avani." Pagpapakilala ko at nilahad ang kamay sa harap nya. Tumingin lang sya doon ng mga ilang minuto bago tinanggap. Parang tanga naman to. Alam nya bang magiging presidente sya sa future?
"Zenia." maikling sabi nya at inayos ang salamin na suot at bumalik sa pagbabasa.
Pang lima, she's weird!
"What's that?" Paggawa ko ng topic at sinilip ang binabasa nya kahit na nahihilo na kaagad ako.
"Law books for first year." Sabi nya na ikinalaki ng mata ko.
"So I'm also supposed to read that thing?" Sabi ko na ikinakunot ng noo nya.
"Look around. All of them are advance reading and here you are." My eyes widened when she judgementally looked at me from head to toe. Napatulala ako sa kanya ng huminga sya ng malalim at binigay sa akin ang buong atensyon nya na kala mo ay handang laitin ang buong pagkatao ko.
"If you're not serious in entering law school, you are free to drop out now. This is not your play ground, miss." sabi nya at akmang tatalikod na ng humarap ulit sya na parang may nakalimutan.
"I don't want to judge you yet, but the looks of you." she said and pointed at my body, "You'd pass as a model. Don't let yourself die here. Sayang ganda mo." she said and get her things before leaving me here--shocked and unable to move.
Ilang minuto ang lumipas bago ako nakagalaw at tumingin sa paligid. True to her words, lahat ng nandito sa room ay seryosong nagbabasa ng makakapal nilang libro. Nahinto ang tingin ko kay Apollo na nakangisi habang nakatingin sa libro sa harap nya. Nag angat sya ng tingin sa akin bago kinagat ang ibabang labi nya dahil nagpipigil ng tawa.
Tangina, ang gwapo?
I rolled my eyes and looked in front but I looked at him again--his way dahil katabi nya na ngayon si Zenia!
Napaharap ako sa harapan ng pabagsak na isara ang pintuan at pumasok ang tingin ko'y professor namin. He roamed his eyes around the room and stopped at me a bit because I am the only one who don't have books.
"I am Attorney Salasa. Hindi na ako magpapaligoy, hide your books and we have an oral recit. Leave my class if you can't answer my question. And tomorrow, if you still can't answer it, drop out."