THE next day I left early for work. Hinatid niya lang din ako at umalis agad siya. Pupuntahan niya raw si Clyde, kaya tatawagan na lang niya ako mamaya para magsabay kaming ng pananghalian. "Ang blooming mo ngayon ah," lawak na ngiti ni Shami sa akin. "Thank you," lawak na ngiti ko. I never though that being loved in return is such a wonderful feeling. Ngayon lang ako nagkagusto ng ganito sa isang tao. It's a mutual feeling, because I felt that I am so secured with him. "Kayo na ba?" si Shami ulit. Maingat ko lang na nilagay ang chocolate cake sa loob ng display at tumango sa kanya. "Talaga! Sa wakas nagbunga rin ang kakulitan niya sa'yo," tawa niya. Oo, makulit si Brent. Makulit na makulit siya. "Hi, Love!" baritonong boses niya. Agad lang din akong napalingon. Alam ko kasi na si

