Chapter 73 Liberty’s Pov MATAPOS ang pag uusap namin ni Rufus at pumunta ako sa kwarto. Hinayaan ko na muna siya na umiinom ng alak. Galit na galit kasi siya sa sinabi ng kanyang ama. Akala yata niya ay maloloko pa niya si Rufus sa mga kasinungalingan niya. Hindi naman bata si Rufus para madaling utuin. Napaka walang kwenta talaga niyang ama. Balak pa niyang gawan ako ng estorya para lang masabi na ako ang masama at siya ang mabuti. Yung utak yata niya ay nasa paa kaya hindi na nakakapag isip ng tama. Lintik lang talaga ang walang ganti. Kung pwede ko lang sipain ang lalaking yun upang makaganti ako. Hindi ko na nga lang sinabi kay Rufus na hinabol ako ng mga tauhan niya at muntik ng ma-rape. Kapag sinabi ko kasi ay baka tanungin niya ako kung paano ako nakatakas. Masusundan at masus

