Chapter 68 Liberty’s Pov NANDITO lang ako sa loob ng unit ni Rufus. Mag uumaga na pero hindi ako iniwan ng mga kaibigan niya. Nandito si Love at ang lalaking taong grasa. Binabantayan ako at ang iba naman ay nasa labas ng building. May isa ding nagbabantay sa labas ng unit. Nagpaalam na muna si Honey sa ‘kin na pupuntahan lang muna daw niya si Hiroshi upang malaman kung ano na ang kalagayan sa paghahanap kay Rufus. Ibinilin pa niya ako kay Love dahil wala daw siyang tiwala sa lalaking pulubi. Alam ko na ang pangalan ng lalaking pulubi. Siya si Zahir. Yun lang ang sinabi niya sa ‘kin at hindi ko na pinilit pa na sabihin niya sa ‘kin ang buo niyang pangalan. Ang mahalaga ay alam ko na ang pangalan niya at hindi na taong grasa ang itatawag ko sa kanya. Magdamag akong walang tulog. Il

