Chapter 107 Liberty’s Pov NAKAUWI NA ako sa bahay pero hindi pa rin mapalagay ang damdamin ko sa pag aalala. Iniisip ko kung kakalat pa rin ba ang issue bukas. Nakakainis naman talaga! Dapat yata ay kausapin ko si sir Atlas upang ipaliwanag niya sa mga empleyado niya na bawal ang mag tsismis ng hindi inaalam ang totoong nangyari. Basta nalang kumuha ng picture na hindi man lang inalam kung magkasama ba kami o nagkita lang doon sa hotel. Kapag talaga nalaman ko kung sino yun ay ipapalunok ko sa kanya ng cellphone niya. Kanina pa talaga ako badtrip. Nauna na nga akong lumabas sa opisina at hindi na pinansin si Giselle. Hindi din ako nagpaalam sa mga kasamahan ko na uuwi na ako. Wala akong gana makipag usap sa kanila kaya hindi ko na sila kinausap. Mabuti na nga lang at maaga pumunta

