Chapter 115 Rufus Pov NAKARATING kami sa lugar kung saan dinala ni River si Lilith. Nagmamadali akong lumabas ng kotse habang si Honey naman ay nakasunod sa ‘kin. Tinungo ko ang bahay at agad kong binuksan ang pinto gamit ang susi na binigay sa ‘kin ni River. Binuksan ko ang pintuan at agad akong pumasok sa loob. Nang makapasok ako ay narinig ko ang mahinang daing na nanggagaling sa kwarto. Tinungo ko yun habang nakasunod si Honey sa ‘kin. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto at nakita ko si Lilith na nakatali ang katawan sa upuan. Napatigil pa siya sa pagpupumiglas mula sa tali at agad na tumingin sa ‘kin. Walang emosyon ko siyang tinignan dahil nandidilim ang paningin ko sa kanya. Naglakad ako papunta sa kanya at agad na tinanggal ang panyo na nakabusal sa bibig niya. Nang matanggal

