Chapter 63 Liberty’s Pov NANGHIHINA ako sa nangyari sa ‘kin lalo na sa nasaksihan kong p*****n. Pakiramdam ko ay mapapanaginipan ko ito dahil sa tindi ng nasaksihan ko. First time kong makakita ng p*****n at talagang sa harapan ko pa talaga. Hindi parin umaalis ang taong nakasuot ng maskara. Nakatayo siya sa harapan ko at may hawak parin siyang kutsilyo na ginamit niya para tapusin ang mga tauhan ni William. Akala ko ay aalis na siya matapos ang nangyari ngunit nagkamali ako. Inilahad niya ang kamay niya na para bang gusto niyang abutin ko. Hindi siya nagsasalita kaya hindi ko alam kung hahawakan ko ba o tatakbo nalang. Pero dahil siya naman ang dahilan kung bakit ako nakaligtas ay mas pinili kong hindi tumakbo. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko at inabot ang kamay niya. Nang

