Chapter 1

1732 Words
Chapter 1 Rufus Pov I’M GOING HOME to our old house where my father lives. Matagal tagal na din nong huling umuwi ako sa bahay namin. Simula ng mamatay ang kapatid kong babae ay mas pinili kong hanapin ang sinabi niyang boss Lei. Bago namatay ang kapatid ko ay nasabi pa niya ang pangalan ng gumahasa sa kanya. Nakakalungkot lang dahil ang dami ko ng nahanap na Lei ang pangalan na masama ngunit hindi pa rin siya ang Lei na hinahanap ko. Kapag naalala ko na hindi ko pa nahahanap ang taong yun ay umiinit agad ang ulo ko. Kababalik ko lang ng Pilipinas at naisipan na bumalik sa bahay ng ama ko. Hindi maganda ang samahan namin ng ama ko ngunit kailangan ko parin umuwi para kay mama. Nangako ako sa kanya noong nabubuhay pa siya na babalik ako sa bahay namin kahit anong mangyari. Tinutupad ko ang hiling ng mama ko kaya heto ako nakarating na sa harap ng bahay namin. Tumingin ako sa malaki naming bahay at agad na pinatay ang makina ng sasakyan. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at agad na bumaba. Naglakad ako papunta sa gate at kahit hindi nila ako pagbuksan ng gate ay kaya kong pumasok ng walang kahirap hirap. Nang makapasok ako sa gate namin ay nakita kong maraming nagbago sa bahay namin. 12 years na din ang nakalipas simula ng makatapak ako sa bahay na ‘to. Biglang bumukas ang main door ng bahay ay may lumabas. Isang katulong na may edad na. Mukhang nagulat sa ‘kin kaya nanlaki ang mata niya. Akala yata niya akyat bahay ako. “Where’s my dad?” I ask her. Napakurap kurap siya ng ilang beses at halatang kinakabahan siya. “I’m Rufus Gallagher, kung hindi mo pa ako kilala.” Pagpapakilala ko. Halata naman kasi na hindi niya ako kilala. Hindi ko din naman siya nakita dati nong nakatira pa ako. Bagong katulong ito kaya natural lang na magugulat siya. “Sir Rufus.. ikaw na po ba yan..” biglang may lumabas na matandang babae at nakita ako. Halatang tuwang tuwa siya kaya napangiti ako. Kilala ko siya, siya ang katulong namin simula pa ng mga bata pa kami ng kapatid ko. “Manang.. masaya ako at nakita kita ulit.” Saad ko sa matandang babae. Naiiyak naman siyang lumapit sa ‘kin. “Akala ko ay hindi na kita makikita pang muli, hijo.” Sabi niya sabay tumingin sa buhok ko. “Pula parin ang buhok mo katulad ng dati.” Sabi pa niya kaya natawa ako lalo na’t matagal ng pula ang buhok ko simula pa lang nong bata ako. Napa iling na lamang ako at inakbayan si manang. “Where’s my dad?” Tanong ko kay manang habang naglalakad kaming dalawa papasok ng bahay. “Nandito siya, Rufus. Sakto lang ang dating mo dahil may bisita ang ama mo.” Saad niya na agad na ikina-kunot ng noo ko. “Bisita? Ka business partner ba niya?” Kunot noo kong tanong. Matagal ng nasa larangan ng business ang pamilya namin. Sayang nga lang dahil wala na ang ina at kapatid ko. Sila sana ang makikinabang ng lahat. Hindi ko naman kailangan ng pera ng ama ko dahil may sarili naman akong pera. Kung gugustuhin kong magpatayo ng negosyo ay kaya kong gawin. “Hindi yun, Rufus. Hay.. nagulat ako sa pagbalik mo. Hindi ko inakala na bigla kang darating ngayon. Kaya sana ay wag kang magalit sa bisita ng ama mo.” Saad ni manang na halatang natatakot at nag aalala. “Ano po ba ang ibig mong sabihin, manang? Sabihin mo na po sa ‘kin agad.” Saad ko habang napahinto sa paglalakad. Huminga siya ng malalim. “Mangako ka muna na wala kang gagawin ngayong araw, Rufus. Wag kang magalit at wag kang gumawa ng ikakagulo ninyo ng ama mo.” Makahulugan na sabi ni manang. Agad na kumunot ang noo ko dahil kakaiba ang sinasabi ni manang. “May bisita ang ama mo. Babae. Nong wala ka ay maraming nangyari, Rufus. Matagal na din namaalam ang iyong ina kaya nagmahal ng iba ang ama mo.” Pagkukwento niya sa ‘kin. “Nag asawa ba ang ama ko?” Galit kong tanong kay manang. “Kumalma ka, sir Rufus. Hindi pa matagal ang relasyon nila. One year nila ngayong araw kaya may celebration sa bahay para sa anniversary nila. Nandito na ang babae sa bahay at narinig ko ay balak na ng ama mo magpakasal sa dalaga.” Saad ni manang kaya naikuyom ko ang kamao ko. “Dalaga? Ibig sabihin ay hindi niya ka edad ang karelasyon niya?” Tanong ko kay manang. Napangiwi siya at para bang ayaw niyang sabihin sa ‘kin ang sagot. “Ahm.. mabait na babae si Liberty, Rufus. Malayo ang agwat nila ng ama mo dahil 26 years old pa lang siya.” Saad ni manang kaya mas lalo kong naikuyom ang kamao ko at agad na naglakad papunta sa sala. Hinanap ko ang aking ama. Gusto kong kausapin siya patungkol sa kabaliwan niyang ginagawa. Tama bang makipagrelasyon siya sa isang 26 years old habang siya ay 59 years old. Tangina! Paano nalang pala kung pera ang habol ng babaeng yun. Walang tao sa sala kaya dumiretso ako sa kusina at baka sakaling nando’n ang ama ko at ang babaeng sinasabi ni manang. Nang makarating ako sa kusina ay may nakita akong babae na halatang nagulat sa pagsulpot ko. Muntik pa niyang mabitawan ang hawak niyang baso. Tinitigan ko ang babae. Mahaba ang kanyang buhok at maliit ang mukha. Almond ang shape ng kanyang mata at may matangos na ilong. Kahit simple ang damit niya ay alam kong hindi siya katulong dito sa bahay. Lahat ng katulong dito ay naka uniform kaya alam kung siya ang sinasabi ni manang na girlfriend ng ama ko. “Sino ka? Bakit ka nandito sa pamamahay namin?” I asked in an emotionless voice. Napalunok naman siya ng ilang beses at para bang hindi alam ang gagawin niya. “Answer me! I know you're not a maid here.” Matalim kong sabi sa dalaga. “Ahm.. ako po si Liberty Junsay. Girlfriend in William.” Pagpapakilala ng babae habang nakatitig sa ‘kin. “Girlfriend? Nagpapatawa ka ba?” I said in a sarcastic voice. Napakagat ang dalaga sa ibaba niyang labi kaya napasunod ang tingin ko do’n. “Don’t bite your lips in front of me.” Matigas kong sabi kaya napatigil siya sa ginagawa niya at kinakabahan na nakatingin sa ‘kin. Sasagot pa sana ang dalaga ngunit naudlot ng marinig ko ang boses ng aking ama. “Libz! Libz, where are you?” Tanong ng ama ko na halatang papunta sa kusina. “I’m here, hon.” Sagot ng dalaga na nagpakilala sa ‘kin na girlfriend ng ama ko. Narinig ko ang yapak ng aking ama. Alam kong nasa likod ko siya pero hindi ako humarap. Masama parin akong nakatitig sa dalaga. Gusto kong maramdaman niya na hindi siya welcome sa bahay na ‘to. Gusto kong maghiwalay sila ng ama ko at kapag hindi nangyari yun ay ako ang makakalaban niya. “Rufus.. Ikaw ba yan?” Tanong ng aking ama kaya nilingon ko siya. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwala sa pagbalik ko. “Surprise, huh.” Saad ko habang nakataas ang isang sulok ng labi ko. “Hindi ka nagsabi na darating ka pala. Sana nakapag handa ako, anak. Matagal tagal na din na hindi ka nakakabalik dito sa bahay natin. Welcome home, anak.” Masayang sabi ng ama ko ngunit hindi ako ngumiti. Tumingin ang ama ko sa dalaga at agad na naglakad papunta do’n. Napasunod ang tingin ko sa aking ama ng makalapit siya sa dalaga. “Tamang tama lang din ang dating mo, anak. May ipapakilala ako sayo.” Saad ng aking ama. “Sino yan? Katulong ba?” Bored kong tanong sa aking ama kahit pa nga sinabi na ng babae na girlfriend siya ng aking ama. “No, son. She’s my girlfriend. Liberty Junsay. You can call her Libz for short or tita Libz.” Nakangiting sabi ng ama ko. “Baka sa susunod na taon ay mommy na ang tawag mo sa kanya.” Dagdag niyang sabi kaya uminit lalo ang ulo ko. “What? May balak ka bang magpakasal ulit, dad? Matanda ka na! hindi ba’t nangako ka sa harap ng puntod ni mommy na hindi ka na magmamahal ng iba. Pero ano ‘tong ginagawa mo. Nakipag relasyon ka pa sa isang dalaga. Baka nga pera ang habol sayo nyan eh. Sa itsura pa lang niya ay hampaslupa na!” Galit na galit kong sabi. “Rufus! Stop it! Hindi mo pa kilala si Liberty para pagsalitaan mo ng ganyan. Kilalanin mo muna siya. Malalaman mo na mabait siyang babae at hindi pera ang habol niya sa ‘kin. Yes, nangako ako sa puntod ng mommy mo. Pero nagpaalam ako sa kanya bago ko niligawan si Liberty. At plano kong magpakasal sa kanya.” Saad ng ama ko at mukhang pati ang dalaga ay nagulat din sa sinabi ng ama ko. Hindi niya yata inaasahan na balak siyang pakasalan ng ama kong nababaliw na. “Pero dahil sa kababalik mo lang at halata naman sa tono ng boses mo na ayaw mo sa relasyon namin ni Liberty ay bibigyan kita ng panahon na matanggap mo ang minamahal ko sa pamilya natin. Gusto kong kilalanin mo si Liberty, Rufus. Kaya next year na lang muna ang kasal namin.” Aniya sabay inakbayan sa balikat ang dalaga. Hindi ako nakasagot sa sinabi ng ama ko. Maganda ang idea niya. May isang taon pa ako para pahirapan ang dalaga at kusang makipag hiwalay sa ama ko. Tignan ko lang kung makapalag siya sa ‘kin. Humanda sa ‘kin ang dalagang ‘to. Maglulupasay siya sa iyak dahil sa gagawin ko. Umalis ako sa kusina at hindi na sumagot pa sa ama ko. Nakakawalang gana umuwi sa bahay na 'to. Bwiist! Naisipan ko na lang na sa condo ako magpapahinga at baka mabasag ko pa lahat ng gamit dito sa bahay dahil sa inis ko sa aking ama. Author's Note: Sa mga bago lang po na nagbabasa ng story ni Rufus at Liberty pa add po sa library ninyo upang mag notif bawat update ko. Salamat po!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD