Chapter 22 Liberty’s Pov ILANG ARAW na kaming nandito sa bahay bakasyunan ni Rufus at wala yata kaming ginawa kundi ang tumawa dahil inaasar niya ako at kinikiliti. Isa din sa ginagawa namin ay naglalambingan. Para kaming may relasyon kahit hindi wala pa naman talaga. Para kay Rufus ay magkarelasyon kaming dalawa. Pero para sa ‘kin ay wala pa rin kaming relasyon hanggat hindi pa ako nakikipaghiwalay kay William. Hindi ko na maitatanggi ang nararamdaman ko kay Rufus. Lunod na lunod na din ako sa kanya kaya hindi na ako makapag isip ng tama. Hapon na ngayon at nandito kami ni Rufus sa dalampasigan. Nakaupo siya sa buhangin habang ako naman ay naka kandong sa kanya habang nakasandal ang likod ko sa matipuno niyang dibdib. Nakatitig lang kami sa karagatan at nagpapahinga dahil sa sobra

