Chapter 90 Liberty’s Pov ISANG LINGGO na din ang nakalipas pero hindi pa rin bumabalik si Rufus sa condo unit. Nawawalan ako ng pag asa na babalikan niya ako kaya sa inis ko ay bumalik ako sa dati kong bahay. Kahit pinigilan ako ni Love na wag ko daw gawin ang binabalak ko ay hindi ako nagpapigil. Hindi naman pwedeng tumira ako sa condo ni Rufus habang wala siya. Naisip ko nga na baka ayaw na niya sa ‘kin. Nalaman ko kasi mula kay Hiroshi ang huling nangyari kay Rufus ay hinabol siya ng lalaki at ang nag utos daw no’n ay si Lilith. Iniisip ko nga kung magkasama ba ang dalawa dahil hindi na umuwi pa sa ‘kin si Rufus. Kung mahal talaga niya ako dapat ay tumawag man lang siya at sabihin kung anong problema o kung ayaw na niya sa ‘kin. Hindi yung pinag aantay niya ako ng matagal at halos m

