Chapter 30 Liberty’s Pov NAGISING ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nakalimutan yata isara ni Rufus ang sliding door na naka konekta sa terrace. Agad kong inangat ang isa kong kamay upang takpan ang nakakasilaw na sikat ng araw. Naramdaman kong may nakadagan sa katawan ko kaya napalingon ako sa kanan ko at nakita ko si Rufus na nakadapa sa katawan ko at natutulog. Kaya naman pala parang hindi ako makahinga. Kalahati ng katawan niya ang nakapatong sa ‘kin kaya hindi ko mapigilan matawa. Para siyang tuko na nakakapit. Clingy talaga si Rufus pero hindi ako naiirita sa kanya. Mahilig din siya magpa baby at ang favorite niyang spot sa katawan ko kapag nagpapa baby siya ay sa dibdib ko talaga. Hinaplos ko ang buhok niya at hinayaan lang siyang matulog. Gusto ko sanang gum

