Chapter 93 Liberty’s Pov NANDITO ako sa mall kasama si Chan. Kasama din namin ang iba pang girls na asawa ng mga kaibigan ni Honey. Nakilala ko naman na sila at natutuwa ako dahil kahit wala na kami ni Rufus ay kaibigan parin ang tingin nila sa ‘kin. Sa totoo lang ay hindi ako naiilang na kasama sila lalo na’t ang iba sa kanila ay hindi ko masyadong close pa. Nandito naman sila Chan at Jesirey kaya hindi ako maiilang. Ang kulit nga din ni Nisse kaya panay ang tawa namin. Pagkatapos namin mag shopping ay dumiretso kami sa isang salon. Naisip ni Jesirey na magpa short hair at ang ganda ng kinalabasan kaya ang ending ay nagpa short hair kaming lahat. “Ang ganda na natin. Sigurado ako na mag he-heart na naman ang mata ng mga asawa natin.” Saad ni Jesirey na tuwang tuwa sa ayos ng buhok

