Chapter 53 Liberty’s Pov NAKARATING NA kami ni Rufus sa Manila. Tulad ng sabi niya ay dumiretso kami sa condo unit niya. Ngayon ko lang nalaman na nasa isang sikat pala siyang condominium nakatira. Nalula ako dahil sa ganda. Kahit naging boyfriend ko ang ama niya ay ngayon lang ako nakapasok sa magarbong condo building. Magkahawak kamay kami ni Rufus na pumasok sa entrance ng building. Dala din ng binata ang mga dala namin mula sa probinsya. Ayaw pa niya akong pagbuhatin at baka daw mapagod ako. Naloka ako sa kanya pero kahit anong pilit ko sa kanya ay ayaw talaga niya. Bago kami dumiretso sa elevator ay pinaupo na muna ako ni Rufus dahil kakausapin daw muna niya ang nasa front desk. Tahimik lang din naman ako na pinapanood siya habang hinihintay siyang bumalik sa ‘kin. Hindi naman

