Isang taon na ang nakalipas. Sa isang pribadong boardroom, inilapag ni Celeste ang isang flash drive sa mesa. “Gusto mong wasakin ang IFG? Heto ang bagay na sisira sa kanila mismo.” Tahimik si Adrian, pero may nanlilisik na ngiti. Nag-crack ang mga daliri ni Enzo bago muling bumilis ang pagtipa niya sa keyboard. “Ano’ng mas masakit, Marquez? Yung suspended ka o yung nagmamakaawa ka sa’kin ngayon?” Napairap ako. “Shut up and find the damn anomaly.” Nakatitig si Enzo sa screen, nakakunot ang noo. Lumapit ako para mas makita—masyadong malapit. Nagkalapit ang noo namin, halos magtama. “Marquez, kung gusto mo akong halikan, pwede mo naman sabihin na lang.” Naningkit ang mata ko. “Gusto mong matanggal ang ngipin mo? Sabihin mo lang.” Ngumiti siya, pero hindi lumayo. Put*ngina. Tinin

