Apat na taon ang nakalipas. Nasa harap ako ni Regina sa kanyang opisina, bata pa pero puno ng ambisyon. “Gusto mong umangat?” tanong niya. Tumango ako. Ngumisi siya. “Then prepare to lose first.” Ngayon, nasa harap ko pa rin si Regina—pero ang usapan ay tungkol sa pinakapangit na ideya sa kasaysayan. “Gusto mong makipagtulungan ako kay Enzo?” Regina, kalmado: “Yes.” Napamura ako sa isip. T*ngina. Lumabas ako ng opisina niya, dire-diretso sa desk ni Enzo. Tiningala niya ako, isang kilay ang nakataas. “Let me guess, pipilitin mo akong lumuhod at humingi ng tulong?” Huminga ako nang malalim. “I hate this.” Tumagilid ang ulo niya, parang aliw na aliw. “Great. Ako rin.” At doon ko naisip, papatayin ko ‘to balang araw. “Wait, wait, wait… anong nangyayari dito?” biglang sumulpot si

