Seryosong naglakad papalapit si Yara sa sumasalubong sa kaniya na si Zoren. Nangunguna man ang kaba ay hindi n'ya na iyon pinansin. Kailangan n'yang makita ang libro. Kailangan n'yang maintindihan ang mga bagay na nangyayari. Paano nga kung totoo ang sinasabi nito? Paano kung totoo na nagpunta nga s'ya sa bahay nito nang hindi n'ya alam? Ano pa ang possible n'yang gawin nang hindi n'ya nalalaman? Hindi kapani-paniwala pero pumasok sa isip n'ya na baka nga hindi nagsisinungaling ang binata. Sa dami ng nangyari sa kaniya sa loob ng bahay nila na hindi n'ya maipaliwanag ay gusto n'ya nang patunayan ang lahat nang naririnig n'ya ngayon. "I want to see the book," walang paligoy-ligoy na saad n'ya nang makalapit s'ya sa binata. Seryosong nakatingin sa kaniya si Zoren na para bang tinatany

