Naimulat ni Yara ang mga mata n'ya nang pumasok mula sa bintana ng kuwarto n'ya ang silaw ng araw. Agad s'yang napabangon at niyakap ang mga tuhod. Inilibot n'ya ang paningin sa buong silid at halos nakahinga s'ya ng maluwag nang mapansin na nasa loob s'ya ng sarili n'yang silid. Nakita n'ya ang maraming kalat sa buong kuwarto at maging ang basag na salamin. Naalala n'ya kung bakit n'ya ito binasag at walang pasabing nabuhay ang kaba sa dibdib n'ya. Dahan-dahan s'yang bumaba ng kama n'ya, inilagay n'ya ang kamay sa dibdib habang dahan-dahan at puno ng pag-iingat s'yang naglakad papalapit sa mga basag na bubog ng salamin na nasa sahig. Mabigat at malalim ang bawat paghinga nya. Muntik na s'yang mapatalon sa gulat nang hindi n'ya inasahang makita ang sarili sa malaking salamin nasa walk

