"Sleep, Yara!" Naningkit ang mga mata ni Yara nang marinig n'ya ang boses na nagsabi noon. Inilibot n'ya ang paningin sa buong silid n'ya. Wala s'yang nakita na kung sino pero sigurado s'ya sa narinig n'ya. That was loud. "You can't find me, just sleep, Yara, just sleep." Nanginginig at agad na kumalabog ang dibdib n'ya sa takot nang sa pagkakataong ito ay isang matigas na boses ang narinig n'ya. "Is anybody here?" Kunot-noong tanong na may pagtawag n'ya ng atensyon. Ibinalik n'ya sa harap ng salamin ang paningin n'ya. "I told you that you can't find me!" Halos mapasigaw s'ya sa gulat nang marinig iyon. Napatakip s'ya sa tainga n'ya at napa-upo sa sahig. "Who are you? Where are you?" Nanginginig ang boses n'ya dahil sa pagkakataon na ito ay kinakain na s'ya ng kaba at takot. M

