I saw those pair of eyes, that belonged to that undercut hair guy. Hindi ko alam kung talagang tinitignan niya ako o sadyang trip niya lang akong inisin. But one thing for sure is that that's the same kind of feeling that I've just felt earlier, uneasiness and intimidation.
Ngunit nagtuloy na lamang ako sa paglalakad palabas nang may dumaang sasakyan. And I think I know whose car it is. Hinintay kong maiparada ito ng may ari at hindi lamang isa ang lumabas kundi tatlo. Tatlong mga hindi imbitado ang dumating.
"What are you three doing here? Hindi naman kayo invited."
"I WAS invited but I refused to because I have so many schedules, remember Aki? But since it ended up sooner, I decided to go." Sabay ngiti sa akin. That's Alexi Hosueh Villardo, my brother. Big brother.
"And you?" Sabay tingin ko sa isa.
"Alexi invited me in, hindi ko naman kayang tumanggi, so yeah." Zion Oliver Mendez. Pinsan namin. Nevermind him.
"O ikaw naman?" Sabay tingin ko sa huling lalaking asungot.
"I got invited but I didn't caught up earlier." Lastly, Uriel Hezekiah Villardo. Kapatid ni Ashley, so pinsan din namin. Nevermind him too.
"Ang sabihin niyo gusto nyo lang makikain." Sabi ko habang naglalakad na palayo sa tatlo, but they followed me. Nakalimutan ko na rin tuloy yung lalaki kanina, nakaalis na rin pala.
"Exactly!" Humabol na rin sila sa paglakad ko.
"Yeah right whatever Hosueh,"
"It's Alexi," sabi naman niya.
"Okay Lexi." Gantong ko naman.
"Ugh." Tumawa na lang ako sa kaniya, loser haha.
Nang makarating kami sa reception area ay nakita naming nagkakasiyahan at natutuwa ang mga tao sa pinapanood nilang video tungkol sa pinsan namin at sa kaniyang asawa.
"Oh Alexi? And Zion and Uriel too," Gulat na sambit ni Tita Hazel nang makita niyang kasama ko na ngayon ang kuya ko at nilingon niya rin sina Zion at Uriel.
"Glad you made it here, mga ijo. O'sya magsi-upo na kayo." Ngumiti na lamang sila at tinunton na namin si Ashley.
"Ang tagal mo naman magpalit ha Akeisha." Lumingon naman siya sa likod ko.
"Oh ba't nandito kayo? Tanong niya sa mga asungot sa likod ko na nagsi-upo na, nauna pa sa akin.
"Bakit? Bawal na ba namin makita ang bagong kasal?" Sambit naman ni Zion.
"Ang sabihin mo, gusto mo lang maki-"
"Oo na! Gusto na naming makikain kaya kami nandito, ano okay na?" Tumawa na lang si Ash at maya maya ay nagsimula na kaming kumain.
Habang kumakain kami ay mayroon ng mga bisitang nagbibigay ng message para sa newly weds. Bigla akong nakaramdam ulit ng pagkabahala sa paligid ko, nilibot ko ang paningin ko at huminto iyon sa lalaking ilang ulit nang nagmamasid sa akin, and I saw him looking then he suddenly smirked at me, fxck he's creepy.
"Saan ka na naman nakatingin Aki? May wafu ba sis?" Hindi naman mapakali yung katabi ko at saan saan na lumilingon.
"That guy's creepy Ashley,"
"What guy? Saan?" Tinuro ko naman kung saan nakapwesto yung lalaki kanina, magkasama pa rin sila nung top knot guy.
"OH EM GEE! Nandito pa rin sila! Ang gwapo talaga nila sis!"
"Hoy nakinig ka ba sa sinabi ko ha?"
"Ano ba yun?" Ashley already with her dreamy eyes. Hinampas ko siya.
"Ang sabi ko, ang creepy ng guy na yun. Yung naka undercut."
"What the heck Aki?! Saan banda ang salitang creepy sa kanila ha? Wait, siya ba yung kanina mo pang nililingon? Ohmygosh ba't hindi mo agad sinabi!" Kinikilig na sabi niya.
"Hoy kayong dalawa diyan," nilingon namin kung sino yung nagsalita. It was Zion.
"Kanina pa kayong nagbubulungan, rinig naman namin. Tapos na ba kayong kumain ha?"
"Oo tapos na kaming kumain." Kinikilig pa rin ang gaga.
"Sino ba yang kanina pang nililingon mo Aki? Do you have a suitor here?" Tanong naman ni Alexi and I just shrug.
"Oo magkakaroon na ata Alexi haha. It's that guy na naka undercut daw." Nilingon naman ng tatlo kung nasaan yung tinutukoy ni Ashley.
"Anong magkakaroon, manahimik ka na nga lang Ashley. Bet mo lang niyan yung kasama niya eh."
"You're definitely right Aki haha!" Hays. Itong babaeng toh, paiba iba ang type.
"Ang sarap!" Bigla namang sabi ni Uriel habang itinataas ang kaniyang kamay papuntang ulo.
"Halata naman eh." Saglit lang ay tinawag din kami para magmessage sa couple.
"Oh kanino tong bouquet?" Tanong ni Zion pagkabalik namin sa table.
"Ah kay Aki yan, nakuha niya kanina noong hinagis ni Mira and guess who got the garter thing for the men to catch? It's that guy again! Change is coming for Akeisha! I'm so happy for you Aki!" Sabay hug niya sa akin.
"Shut your fxcking mouth Ash." Ngunit tumawa lamang siya. Ilang saglit lamang ay natapos na ang celebration at pabalik na kami sa aming sasakyan. Nagpahuli sina Alexi dahil magccr daw.
Nagkita kita kami ni mommy sa may parking lot at nagulat siya nang makita niya ang tatlo na paparating.
"They went here for the food tita, as usual." Pag-explain ni Ash kay mommy.
"Okay, mauna na kami ng tita mo. Take care."
"Yes mom."
"Yes tita. Take care mommy." Sabi naman ni Ashley at humalik sa pisngi ni tita at nauna na ngang umalis sina mommy.
"Aki," ani Ashley. Lumingon ako sa kaniya na may nagtatanong na mga mata.
"Magsleep over ako sa inyo ngayon tutal wala namang pasok bukas. Then let's go shopping tomorrow!" Tuloy naman niya.
"Wow, you already set everything huh."
"Syempre naman haha, ayoko namang ako lang mag-isa magmall. Ang loner ko naman." Dagdag pa niya, at wala naman akong magawa dahil nauna pa siyang sumakay sa sasakyan ko.
"Alexi saan kayo niyan?" Lumingon naman siya sa akin nang matapos siyang makipag usap sa phone.
"Hahatid ko na muna sila tapos didiretso ako sa ospital, urgent daw." Dumiretso na siya sa kaniyang kotse.
"Sige ingat kayo."
"Kayo rin. Text me if you're already home." Tumango na lang ako sa kaniya at dumiretso na rin sa kotse ko.
Pumunta na muna kami ni Ashley sa malapit na convenience store at bumili ng makakain, magmimidnight snack daw dahil plano niyang magmovie marathon. Tsaka naman kami dumiretso sa kanila para kumuha ng damit.
"Saglit lang ha, dito ka na lang mabilis lang ako. Or do you still want to get in?"
"I prefer here basta bilisan mo kundi iiwan kita." She just make-faced at binilisan na ang lakad. Habang hinihintay ko si Ashley ay nagcheck na muna ako kung mayroon akong message, pero wala naman. Ilang saglit lang ay dumating na rin si Ashley na may dala dalang stuff toy na malaki? Ehh? Akala ko ba damit ang kukunin neto?
"WTF are you carrying? Lilipat ka ng bahay ha? Ba't may dala dala ka pang stuff toy aber, hindi ka na bata. At tsaka isang gabi ka lang naman sa amin."
"Well, I just decided to stay in your house for 2 days para mas masaya. And for the stuff toy, hindi ko kayang wala ito kaya manahimik ka na lang diyan Aki at magdrive ka na. Let's go chop chop." Aniya at inilagay ang stuff toy sa likod pati na rin ang mga gamit niya na dinala kanina sa maid nila.
Nagpatuloy na ako sa pagdadrive at buti naman ay walang masyadong traffic kaya matiwasay kaming nakauwi. At nang nasa gate na kami ay pinahabilin ko kay manong na magpapatulong kami sa pagbuhat ng gamit ni Ashley. Oo, gamit niya lang. Gamit niya lang naman ang pinakamarami.
"Salamat po manang." Sabi ko kay manang Othella at nagmano, she's our maid ever since I was born and para na rin naming pamilya si manang. Maituturing ko na siyang lola pero she's not yet that old, she's still strong.
"Salamat po" ani Ashley at nagmano rin.
"Walang anuman mga apo." Sabay ngiti ni manang.
"Oo nga pala manang, sila mommy at daddy?" Sakto namang pababa si daddy.
"Oh nandito na pala kayo. Nasaan ang kuya mo? Hindi kayo magkasabay na umuwi?" Tanong ni daddy at sinabihan na si manang na magpahinga na.
"Hinatid pauwi sila Zion at Uriel tas dumiretso sa ospital, urgent daw." Sabi ko at humalik sa pisngi niya.
"Ganun ba, o'sya magpahinga na muna kayo."
"Hello po tito." Nagbeso sila ni daddy. Maya maya lang ay nagpaalam na si daddy na pupuntang kusina at kami naman ay dumiretso na sa kwarto ko.
"Doon ka sa guest room matulog."
"Bakit? Malaki naman yung kama mo ah? Magkakasya naman tayo eh. At tsaka lagi naman akong natutulog sa kwarto sa tuwing makikisleep over ako, ang arte mo naman ata ngayon? May dalaw ka ata sis-" Ani Ashley na nakaupo na sa kama ko.
"Oo na oo na! Ang dami mong sinabi." Reklamo ko naman sa kaniya.
"Mauna na akong maligo." Sabi ko habang kinukuha ang towel. Hindi ko na siya hinintay na sumagot at dumiretso na sa banyo.
Pagkatapos ay nagbihis na rin ako. Umupo ako sa kama at pinatuyo ko ang buhok ko habang si Ashley naman ay naliligo na. Ilang saglit lang ay naramdaman ko ng bumibigat na ang talukap ng aking mata, hindi ko na nahintay si Ashley dahil tuluyan na akong nakatulog.
___
Nagising na lang ako ng may yumuyugyog sa akin.
"Prinsesa, aba eh tumayo ka na diyan at kakain na raw. Nauna ka na ngang nakatulog, ikaw pa huling nagising sa atin. No let me rephrase that, kung hindi kita ginising eh nandiyan ka pa rin tulog na tulog. Tara na, bumangon ka na diyan." Ani Ashley at naghahanda na.
Kinuha ko ung phone ko. 8:22 p.m. Tinignan ko kung may messages ba ako at meron nga.
Alexi: Hey, nakauwi ka na ba? Pakisabi kila mommy that I'll be going home late.
Sent 5:46 p.m.
"Ash, anong oras ako nakatulog?" Tanong ko habang nagtatype sa phone.
"Siguro mga 6 or something?" Sabi naman niya. Tumango naman ako.
Akeisha: Yep, siguro mga 5:40? Sorry ngayon ko lang nakita message mo. Nakatulog ako and I'm with Ashley pala, dito sya matutulog. And okay, sasabihin ko kila mom.
Sent 8:23 p.m.
At pagkatapos kong i-message si Alexi ay bumaba na kami para kumain. Hindi rin nagtagal ang pagkain namin at nagsimula na kaming magmovie marathon. Habang nasa kalagitnaan kami ng panonood ay biglang nagnotif yung phone ko kaya't kinuha ko ito at tinignan habang sumisimsim sa drinks na hawak hawak ko. May nagchat sa akin? And it's from someone named Axel Sky Garcia? Sino ito?
Tinignan ko yung message niya. And it's just a wave. Okay? I just ignored his message, baka na wrong send lang. Wait wait wait, friends ba kami nito sa sss?
"Ash," hindi niya nilingon.
"Ashley," wala pa rin.
"Hoy Ashley Celestine Villardo! Hayop ka lingunin mo ako, tinatawag ka eh wag kang bastos!" At tsaka ko hinagis sa mukha niya yung pillow na nakuha ko.
"Ano ba yun? Ikaw nga diyan yung bastos eh! Nanonood ako!" Sigaw niya.
"Do you know this guy?" Sabay pakita ko sa kaniya ng phone ko. Iritado naman niyang kinuha yun.
"OMG! Eto yung guy kanina sa wedding reception!"Tili naman niya at tinignan agad yung profile nung guy sa f*******:. But something's not right, sa pagkakaalam ko hindi ko siya sinend ng friend request at lalo namang hindi ko i-aaccept if ever na sinendan niya ako.
"Ashley pinakialaman mo na naman yung phone ko ano!" Itong babaeng toh, kahit kailan.
"Ano namang mali kung i-accept natin ang friend request hindi ba? And isa pa Aki, it's time for you to have jowa na ano! Kaya replyan mo na si Axel!" Inagaw ko na sa kaniya yung phone ko habang siya'y kinikilig, baka ano pang gawin niya sa phone ko
"Shut up." I just ignored that Axel's message but he sent another one.
Axel: Hey, hindi mo ba ako nakikilala?
Akeisha: I'm sorry but no and I don't wanna know who you are.
"Wow, ang taray naman ng peg mo Aki." I just sent her a glare and tinawanan lang niya ako.
"Manood ka na lang diyan."
"Sige lang magchat lang kayo, just update me kung kayo na ha?" She said as she continued to eat and watch while cuddling her damn big stuff toy.
Hindi ko na pinansin yung bago niyang message at nagscroll na lang sa sss. At ilang saglit ay nanood na lang din ako. We stayed up until 2 in the morning and napagpasiyahan na naming matulog. And it's a tiring day today.
----------
©eumoiriety