This story is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative words from or exploit the contents of this story in any other way. Please obtain permission.
©eumoiriety
----------
[A/N:
Hi guys! So this is my first story ever and I am already telling you that I am no pro in writing, I am not perfect so expect that there will be typographical and grammatical errors in this story. Oh and one more thing, SLOW UPDATES TO BE EXPECTED. By the way, this story will be a Tagalog-English (TagLish) language. That's all, thank you. :>]
----------
Chapter 1
"Why are you so late Aki?" Bungad sa akin ni mommy habang naglalagay ng earrings, she's already dressed up and tapos na rin ang kanyang make-over thanks to Tita Mariel, her personal make-up artist.
"Sorry mom, natagalan lang sa ospital. Nagpahintay pa kasi si Ashley, sabay na daw kami pumunta dito and I didn't even know that it would take her years to finish." I kissed her at the cheek and walked straight at the sofa next to her.
"Wow, hindi naman ako matagal ah. You're just exaggerating things Aki. By the way Tita, you look so gorgeous as always!" sabi naman ni Ashley and also kissed mommy's cheek.
"Thank you Ashley. Now you two get changed, kanina pa kami naghihintay. So this is Mariel and her co-workers, they will be helping us out. Anong oras na at baka mahuli tayo, so work it." Mommy gestured Tita Mariel and the others as I took my towel and headed for the bathroom, ganoon rin si Ashley.
Pagkatapos ko maligo ay ipinasuot na nila sa akin yung gown. It's a pastel yellow tube gown that extend all throughout the floor and it fits my body just right, parehas lang din kay Ashley while mommy's gown is pastel purple in color. Nakita kong inaayusan na rin si Ashley ng isa sa mga katrabaho ni Tita Mariel, and may umasikaso na rin sa akin sa pagmake-up.
"Your name's Aki, right?" Sabi ng babae.
"Yeah, it's actually Akeisha. And you are?" Sabi ko naman habang nakaharap pa rin sa vanity mirror, she's already putting foundation.
"Verra,"
"Since you're already pretty Akeisha, light make-up na lang ang gagawin ko." Dagdag niya habang nagpapatuloy pa rin.
"Uhm okay" Maya maya rin ay natapos na si Verra sa pag ayos sa akin.
"Hindi ko akalain na nagmukha kang tao ngayon Akeisha Romaine," sabay tawa ni Ashley.
"Hindi ko din akalain na hindi ka pa rin nagmukhang tao kahit ano pang ilagay sa mukha mo Ashley Celestine." And I saw Ashley with her brows up.
"Okay shut up you two. Tara na, konting oras na lang magsstart na ang ceremony." Ani mommy habang naglalakad na palabas.
"Tara na Aki. Ang tagal mo namang isuot iyang heels mo, tsk." I struggled with my heels kaya tinulungan na niya ako at hinila na ako palabas. Ugh, curse this gown.
Sumama ulit sa akin si Ashley sa kotse.
"Nasaan ba yung sasakyan mo ha?" Sabi ko habang nagddrive.
"I got a flat tire kaya pinaayos ko okay." Ani naman niya habang pumipili ng kanta sa phone niya.
Nandoon na yung kotseng ginamit nila mommy nang makarating kami sa garden kung saan gaganapin ang kasal. And they already headed inside. It's our cousin's wedding kaya't maraming mga ka-age lang namin at 2 or 3 years ahead of us.
"Aki Aki! Look! May gwapo ateng, ohmygosh!" Aniya habang kinikilig.
"Aray ko naman Ashley! Umayos ka nga, parang hindi ka pa nakakita ng gwapo eh," Ansakit ng hampas.
"Eh tignan mo girl ang gwapo talaga. Oh look! May kasama rin siyang gwapo OMG!"
"Asan ba?"
"Ikaw talaga ang sungit mo titignan mo rin naman." Aniya habang nginuso yung tinutukoy niya. The man is wearing a black tuxedo, got medium-length undercut hair and it suits him, and he's tall. While the other one's also wearing black tux but a different tie, he's got a top knot hairstyle and also tall.
"Aray ko Ashley!" Hinampas na naman ako ng katabi ko kaya't hinampas ko rin siya pabalik.
"Nakatitig ka na girl, nakatitig! Bet mo yung isa sa kanila ano!" Ang ingay naman neto.
"Ulol,"
"Don't worry Akei-"
"Attention please. May I request the ladies to get their bouquets here and line up already." Hindi na natuloy ni Ashley ang sinasabi dahil nagsalita ang isang babae habang inaayos ang pagkakasunod sunod namin.
Hinila ko na si Ashley para kuhanin na ang bouquet namin at naghintay na. Hindi nagtagal ay nagsimula na ang ceremony.
Habang nagpapatuloy ang kasalan ay hindi ko maiwasang maiyak, nakita naman ako ni Ashley na sa kasamaang palad ay katabi ko pa rin kaya't inabutan niya ako ng tissue.
"Ano ba girl wag ka ngang umiyak kung wala kang dalang pamunas. Nasira na tuloy yung make-up mo. Buti nalang meron akong tissue dito." Bulong niya habang inaabutan pa ako ng tissue.
"Nakalimutan ko sa kotse yung panyo ko and by the way thanks." Tumango na lang sya at bumalik ang tingin sa harapan. While continuing, I suddenly felt uneasy. Lumingon ako sa paligid pero wala naman akong nakitang nakatingin sa akin. I think I'm just hallucinating.
"Hoy anong ginagawa mo niyan? Ang likot mo ah," ani Ashley.
"Wala, pero feeling ko kasi may tumitingin sa a-" But there's that again, lumingon na ako kung saan saan pero wala pa rin. Pinaglololoko na ata ako.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang sabi ni Ashley.
"Oo. Siguro gutom lang ito"
"Okay." At hindi rin nagtagal ay nagsipalakpakan kami sa newly wed couple. And it's time for picture taking, hindi ko na rin nararamdaman na may nakatingin.
Now we're heading at the reception area malapit lang dito sa pinangyarihang kasalan.
"Ash magpapalit lang ako ng sapatos, diretso ka na dun susunod ako." Paalam ko sa kaniya.
"Sige basta bilisan mo ah," Tumango na lang ako sa kaniya.
Nang malapit na ako sa parking lot ng reception area ay nakita ko yung dalawang lalaking tinutukoy ni Ashley kanina, they're also heading inside. I just ignored them, nang nasa kotse na ay saka na ako nagpalit ng sapatos. Buti na lang naalala ko na may extra akong shoes sa kotse dahil nangangawit na ako sa suot kong heels.
Nang matapos akong makapagpalit ay tsaka ko uli naramdaman na may tumitingin sa akin. Lumingon ako and there for a second, I saw those pair of eyes.
----------
©eumoiriety