[A/N: By the way, Novwynne is pronounced as Novwhen, just so you know. Happy reading! :>]
----------
Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang nagsleep over sila Xyrene dito. Buong maghapon lang kaming nanatili sa bahay. And Ashley being who she is, syempre naikwento na sa dalawa na may "nanliligaw" na raw sa akin kuno. Naniwala naman ang dalawa kaya't todo tanong sila sa akin, they even snatched my phone at kinalkal ang convo namin. Apparently, kilala ni Novwynne si Axel dahil sa mga iba pa niyang kakilala.
Dalawang araw na rin na nangungulit si Axel. Walang araw na hindi siya nagchachat, minsan pa'y nagcacall siya at hindi ko naman ito nasasagot dahil busy ako or nagbibusy busyhan lang.
And last night, I dreamt about that kid Kaiden again. But this time, napanaginipan ko lang na binigyan niya ako ng picture frame na may portrait niya para daw hindi ko siya makalimutan. I don't know if that dream really happened back then, but I want to see that picture of his.
"Where do you want me to drop you off?" Nabalik naman ako sa ulirat nang tanungin ako ni Alexi. Lumingon ako sa kaniya at sinabi ko namang sa ospital. Bumalik naman ang tingin ko sa daanan at bigla na lang akong may naalala sa lugar na tinatahak namin ngayon. It's not exactly the same from the one that occured suddenly in my mind when I saw the view in here but it's similar. Houses from each side but there's no tree in it. Napayuko ako bigla at napahawak sa sentido ko.
"Are you okay?" Tanong bigla ni Alexi. I nodded.
"Yeah. I just remembered something. And where are we?" Nalampasan na namin ang mga bahay. Ngayon ko lang napansin na hindi ito ang daang tinatahak namin papuntang ospital.
"Oh right. May kukunin lang ako saglit sa kaibigan ko, he lives here." Sabi naman niya, napatango naman ako. Buti na lang ay maaga pa.
"Ano nga palang naalala mo?" Tanong niya at iniliko ang manibela pa-kanan.
"Have we been here before?" Tumingin naman ako sa kaniya.
"I've been here before for the same reason, and that is to get something from my friend. Pero ikaw, hindi ka pa. Ngayon ka lang nakapunta dito." Tumango naman ako at saktong huminto na ang kotse sa tapat ng isang modernong bahay.
"Close all doors, saglit lang ako."
"Okay." Lumabas na siya at dumiretso na sa bahay. Sinunod ko naman ang sinabi niya at isinara ang pinto. At habang naghihintay ay biglang nagnotif ang phone ko kaya't tinignan ko ito.
It was a message from an unregistered number. Tinignan ko naman ang laman ng message.
09XX-XXX-XXXX: Good morning beautiful. Enjoy your day, I'll be waiting for you. :>
Who the heck is this? Baka na wrong send. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa paghihintay. Ilang saglit naman ay bumalik na si Alexi.
"Let's go." Aniya at pinaandar na ang sasakyan.
Habang nagbabiyahe kami ay inabala ko na lang ang sarili ko sa paglalaro sa cellphone. Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa ospital, ipinarada ni Alexi sa harap ng ospital ang kotse nang hindi niya pinapatay ang makina. Nagtaka naman ako.
"Wala kang schedule ngayon?" Tanong ko naman sa kaniya.
"Meron, pero nagtext sila mom na ngayon ang dating nila. And they asked me na sunduin sila sa airport kaya't paniguradong gagabihin kami, so I asked for a night shift today." Aniya habang may tinitipa sa kaniyang cellphone.
"Ah ganun ba. Okay." Sabi ko naman sa kaniya.
"Oo nga pala, ano palang sakyan mo pauwi? If you want, wait for me and I'll-" pinutol ko na ang sasabihin niya.
"Nope, sasabay na lang ako kay Ashley pauwi. I'm sure she don't even mind taking me home. And it's too hassle for you okay. O'siya papasok na ako. Take care. Love you." I kissed his cheek.
"Love you too sis. Take care." Aniya at tumango naman ako tsaka ko na kinuha ang gamit ko at binuksan ang pinto at lumabas. Isinara ko naman ito at hinintay na makaalis na siya. Nang makapasok ako ay kinuha ko na ang cellphone at nagmessage kay Ashley.
Akeisha: San ka?
She replied after 3 minutes.
Ashley: Papunta pa lang. Ikaw?
As always, late. Pumunta muna ako sa lounge area at naupo.
Akeisha: Nandito na. Bilisan mo.
Ashley: Roger.
"Oh Akeisha." Napalingon naman ako sa nagsalita at nakita kong si Dr. Sanchez kaya't tumayo ako at bumati sa kaniya.
"Hindi mo ba nakita ang post na namove ang schedule natin ng tanghali? Mga isang oras na ang nakalilipas simula nang maipost ito." Aniya at nakipagbati nang may makasalubong na kakilala.
"Ah ganoon po ba. Salamat po."
"May hinihintay ka ba?" Tanong naman niya.
"Si Ashley po."
"Ganoon ba, o'siya mauna na ako Akeisha." Ngumiti naman ako at tsaka na naupo nang makaalis na siya. Dumating naman si Ashley after 10 minutes.
"Buti hinintay mo pa ako, tara na late na tayo eh." Aniya at tumayo naman ako.
"Mamaya pang tanghali magsisimula, nagpost daw kanina eh hindi ko naman nakita." Sabi ko sa kaniya at tumango naman siya.
"Buti naman. Tara kain na muna tayo, gutom na ako." Aniya at nagsimula nang maglakad papalabas. Sumunod naman ako. Pumunta kami sa isang café malapit lang sa ospital at doon kumain. Nag order lang ako ng kape at siya naman ay pancake at iced coffee.
"Hey, may tanong ako." Sabi ko kay Ashley.
"Ano yun?" Lumingon siya sa akin habang umiinom sa kaniyang kape
"May kilala ka bang Kaiden noong mga bata pa tayo?" Tanong ko at sumimsim naman sa kape ko. Napaisip naman siya at kalauna'y umiling.
"Nope, wala akong kakilala. Bakit?" Tanong naman niya at tinapos na ang pagkain.
"Lately kasi ay napapanaginipan ko yung batang Kaiden."
"And then? Kilala mo ba?" Tanong niya at nagkwento naman ako.
"Yes, kilala ko siya. Noong bata ako. I don't know if it's true or it's just made from my mind. Noong una ay nasa may silong kami ng malaking puno at umiiyak siya, then nandoon din sa panaginip ko si Alexi. We took him home then we played for days after that and doon nagtapos. Yung isa naman ay kagabi ko lang napanaginipan. Binigyan lang ako nung batang Kaiden ng picture frame na may portrait niya. And then I don't know if this one's related at all pero kanina noong may madaanan kaming mga bahay ni Alexi ay may naalala akong scene na biglang nagflash sa utak ko na kapareho ng sa tinatahak naming daan ng panandalian lang." Naiwan namang nag iisip ang kaharap ko.
"So what's wrong with that?" WTF. Sa hinaba haba ng sinabi ko, yan lang ang naisip niyang sabihin.
"Do you think my dream's real? Or gawa gawa ko lang?" Tanong ko sa kaniya.
"I think it's real. Go check the picture frame na binigay sayo." Sabi naman niya at sumandal sa upuan niya.
"Okay, sana lang na totoo. But do you think that kid died and he's haunting me for something? Because it's kinda creepy." Tumawa naman siya.
"I don't know honey. Malay ko. Don't worry too much okay. I'm sure nothing's serious about it. And what's creepy about that? It's actually cute." Aniya at tumawa. I just shrugged. Nagpaalam na muna si Ashley na magbabanyo kaya't naiwan ako mag isa. Nagscroll na lang ako sa f*******: nang biglang may tumawag sa akin. Lumingon naman ako.
"Ate, may nagpapabigay po nito sa inyo." Isang cute na batang lalaki ang nakita ko na may hawak hawak na bouquet na roses. Ang cute naman ng batang to. He had his hair into a bowl-cut kaya mas lalo siyang naging cute. Ugh.
"Hello. Are you sure it's for me?" Sabi ko at yumuko ng kaunti para magkalevel ang mukha namin. I think he's about 4 years old?
Tumango naman yung bata.
"Sino naman ang nagpapabigay?" Tanong ko sa kaniya.
Inaabot naman niya sa akin ang hawak niya, ayoko mang kunin dahil hindi ko naman alam kung kanino galing ito pero bata na ang may hawak at hindi ko kayang tiisin ang mga bata lalo na kapag ganito ka-cute kaya't tinanggap ko na.
"Secret daw po eh. Bawal daw po sabihin." Why is he so cute?
"Ah ganun ba? Pwede bang name mo na lang ang malaman ko?" Tumango naman siya ng dalawang beses.
"My name's Hikoroshi Koa, but you can call me Roshi or Koa. How about you ate?" Pati ang pangalan, cute.
"Akeisha Romaine. You can just call me ate Aki." Sabi ko sabay ngiti sa kaniya.
"Can I pinch your cheeks Koa?" Tumango naman siya at ayun, pinisil ko na ang pisngi niyang chubby. Nagulat naman ako nang bitawan ko na ang pisngi niya ay hinalikan niya naman ako sa pisngi, nakita ko pang tumingkayad siya para lang maabot ako.
"Bye ate Aki! See you soon!" Aniya at mabilis na tumakbo papalabas, natawa naman ako sa kaniya nang nahirapan pa siyang hilahin ang glass door kaya't tinulungan siya ng guard.
Nang makaalis na siya ay umayos naman ako ulit sa pagkakaupo at tinignan ko yung bouquet. May nakita naman akong note.
'Flowers for you beautiful. See you later.'
May kasama pang heart ang note pero walang nakalagay kung kanino ito galing.
"Ooh, kanino galing yan ha? Nag-cr lang ako saglit may pa bouquet ka na."
"Hindi ko alam. May note pero walang nakalagay kung kanino galing. May bata na lumapit sa akin at pinabibigay daw ito. Tinanong ko naman sa bata kung sino ang nagpapabigay pero bawal daw sabihin. Tinanggap ko naman ito dahil ang cute nung bata, though I don't like flowers because they just wither. Sayang ang pera." Sabi ko at tsaka na tumayo.
"Sana all. Pero ikaw ha, humahaba na ang hair mo. Ipagupit na natin yan at baka matapakan ko." Tumawa naman siya at naglakad na kami papuntang ospital.
"Wala bang bouquet para sa akin? Nagbabakasakali lang." Dagdag niya pa. Napailing naman ako sa sinabi niya at napangiti na lamang.
Habang pabalik ay may ibang tumitingin sa akin dahil sa dala dala ko at para sa akin ay naiilang ako kaya't minadali ko na ang paglalakad, pero hanggang sa ospital ay mayroong nakakapansin lalo na't dumating na ang iba pa naming kasamahan dahil malapit na rin magstart ang OJT namin.
"May bagong manliligaw na naman ata si Aki ah." Napalingon naman ako kay Jane at kaagad naman akong umiling sa sinabi niya.
"Hindi, ano ka ba." Nagpatuloy na kami sa paglalakad at ang iba'y sumabay na sa amin papunta sa 4th floor dahil doon kami naka-assign ngayon. Sumakay na kami sa elevator at naghintay na makarating.
"Meron yan Jane. Ayaw lang sabihin haha." Sabi naman ni Ashley sa kanila. Sa wakas ay nakarating na kami sa tamang floor kaya't nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Malihim ang aking pinsan. Hindi ko alam na may bago pa pala siyang manliligaw pwera kay Axel." Ang bibig talaga ng babaeng to, walang tigil.
"Ashley, ang bibig mo pakitakip. Marami na namang lumalabas na kasinungalingan." Sabi ko naman at inilagay ang mga gamit namin sa ibabaw ng lamesa nang makarating kami sa kwartong para sa Authorized Personnel lamang.
"Anong meron?" Tanong naman ng isa pa naming kasamahan na si Finn. Siya ang boy version ni Ashley dito, kumbaga pareho silang may maingay na personality.
"Nothing, we're just talking about Aki's new suitor." Sabi naman ni Ashley kay Finn. Diba? Sabi sa inyo eh.
"Really? Adam narinig mo yon? Baka maunahan ka na ng bagong manliligaw ni Akeisha kung wala kang gagawin!" Kailangan talagang sumigaw?
Binato lang ng bottled water ni Adam si Finn.
"I am planning to, idiot." Sabi naman ni Adam na nakapagpagulat sa akin at sa iba ngunit nakarecover naman sila kaya't todo hiyawan at kantyawan na sila. Naupo naman ako sa isang upuan malapit kay Ashley na dumiretso agad sa upuan pagkalagay niya ng gamit niya. Tinignan ko naman ang phone ko at nagcheck. May nagmessage sa akin, yung kaninang unregistered number ulit.
09XX-XXX-XXXX: Have you received the roses? They're beautiful right? Beautiful as you. ;>
Sino ba ito? This time hindi na ito wrong send dahil mayroong nagpadala sa akin ng mga roses ngayon. Ngunit hindi ko na lang nireplyan. Binalik ko naman ang paningin ko sa mga kasama ko.
"Pre bakit ngayon mo lang naisip yan? Kung kailan may bago nang manliligaw si Aki tsaka mo palang gagawin." Ani Finn at inakbayan si Adam.
"I just have to win her heart." Sinabi yon ni Adam habang may inaayos sa kaniyang gamit. Naghiyawan naman ulit sila nang marinig ang sinabi ni Adam. Si Finn naman ay ginulo ang buhok ni Adam at tsaka ito lalong inasar. Ako naman ay nanatiling nakatingin kay Adam at alam kong namumula na ang pisngi ko sa hindi malamang dahilan.
Nahihiya ako sa nangyayari gayundin naman si Adam ngunit hindi naman siya natitinag dahil nakahawak lang ang kanang kamay niya sa kaniyang batok kaya't yumuko ako. Kanina pa ko niyuyugyog ni Ashley pero hindi ko siya magawang itaboy.
"Ang haba na talaga ng hair mo girl. Tatlo tatlo na ha, grabe ka. We should really cut it off anytime now, baka may madapa na talaga sa isa sa amin." Sabi niya at tinawanan naman iyon ng iba.
"Sira talaga kayo." Sabi ko naman sa kanila.
"I ship you two. Akeisha x Adam. Bagay." Sabi naman ng isang kasama naming babae at nagpaalam na mauuna na raw, sumama na rin si Jane sa kaniya. May pahabol pang finger heart si Jane bago isara ang pinto. Hay nako.
"Mauna na rin daw kami ni Adam, Akeisha. Nahihiya na raw masyado itong katabi ko haha." Ani Finn at nabatukan naman siya ni Adam.
"Shut up, Finn." Ani Adam at tuluyan nang isinara ang pinto. Maya maya lang ay sumunod na rin kaming lumabas ni Ashley at ang iba pang kasama namin.
Sa ER naka assign ngayon si Ashley para mag assisst habang ako naman ay sa ICU. At buong maghapon akong nag aassisst sa mga pasyente kasama si Dr. Sanchez. Hanggang sa sinabi na ni doktora na pwede na akong mauna ay nagpasalamat naman ako sa kaniya at nagpaalam na. Bumalik naman ako sa room namin at nakita kong may iilan nang nakabalik, kasama na roon si Ashley.
"Oh, nandito ka na pala." Sabi ko sa kaniya at tumango naman siya. Naupo na muna ako sa tabi niya habang siya'y umiinom ng tubig.
Ilang minuto pa ang lumipas at napagpasyahan ko nang mag ayos ng gamit. Ganoon rin siya.
"Ash," tawag ko sa kaniya.
"Oh?" Aniya nang hindi pa rin tumitingin sa akin.
"Naisip ko lang na tama bang tuloy ko pa ring chinachat si Axel?" Tanong ko sa kaniya.
"Aki, seryoso ka ba sa tanong na yan?" Tanong niya pabalik sa akin habang nakapameywang na.
"Syempre naman! Girl, ano ba? Wala namang masama kung itatry siya hindi ba? At tsaka malay mo magkatuluyan kayo. Or if not, pwede namang fling fling lang. Kung hindi magwork, edi maghanap ng iba. Ganun lang iyon. And I'm dying to see you in a relationship with somebody. I mean yes, meron kang mga naging M.U or flings pero hanggang doon lang iyon. No more than that. This time I want something new. And in fairness ha, kailan ba last mong nagkajowa? 4? 5 years? Oh come on, spice up your life." Dugtong niya at tinapos na ang pagliligpit.
"Okay, ang dami mong sinabi ha. And excuse me, 3 years lang ano ka ba." Tumawa naman siya at humarap ulit sa akin. Buti na lang ay walang pakialam ang iba sa sinasabi namin dahil may sarili din silang pinag uusapan. Tinapos ko na rin ang pagliligpit ng gamit ko.
"I know right. And girl, it's not like ang tagal niyo nang magkachat ni Axel para gusto mo nang itigil. Hindi pa man kayo nagkikita except for that day. Pero nasa sa iyo naman yan eh, if you don't like Axel then kay Adam since he already said that he'll somewhat court you just like your other suitor na hindi mo pa kilala. And girl I wish I were you haha." Naglakad na kami papuntang elevator na dala dala ko pa rin ang bulaklak.
"Hindi ko naman sinabing gusto ko nang itigil. I just want to know your opinion. That's all. And won't I look like a total sadist? Grabe naman." Sabi ko naman sa kaniya, natawa naman siya sa akin.
"No you won't, at the least haha." Natawa na rin lang ako.
"Oo nga pala, dala mo ba sasakyan mo?" Ngayon ko lang naalala na hindi pala ako masusundo ni Alexi ngayon. Ayoko namang magcommute pauwi.
"Oo, bakit?" Nakarating na rin kami sa ground floor.
"Makikisabay ako sayo pauwi. Wala kasi si Alexi ngayon, sinundo sila mommy sa airport. Eh hindi ko naman dala yung sasakyan ko since nakisabay nga ako kay Alexi." Sabi ko naman.
"How about yung isa?" Tanong naman niya.
"Yung kila mom?" Tumango naman siya.
"Wala, pinaayos dahil may flat na gulong." Sabi ko naman sa kaniya. Ayaw pa ata akong pasakyan ng babaeng to. Nakarating na kami sa labas ng ospital. Hassle pa ang pagkuha ko sa phone ko at pagtype ng message para kay Alexi dahil may hawak akong bulaklak. Nasa kalagitnaan ako ng pagtatype nang tinawag ako ni Ashley.
"Aki, I think you won't need my ride 'coz you've already got yours." Aniya at nakita kong nakatitig siya sa harapan.
"Huh?"
"Look there, you dummy." Pinalingon naman niya ako sa kung saan siya nakatingin kanina.
Nakita ko namang may nakaparadang sasakyan sa harapan at may nakasandal na lalaking nakatitig sa akin.
----------
©eumoiriety