"I love you, Breoxiebrent," nakangiting bulong ko.
"M-Ma... M-Ma..."
Tumango-tango naman ako. "Yes, baby. You're meeting him today," I said. Karga-karga ko ang tatlong taon gulang kong anak. Mangiyak-ngiyak din talaga ako ngayon.
Nagkasundo kami ni Keith Louisse Armalana kahapon. Pumayag na ako na makita niya ang anak ko and at the same time, makipag-usap sa kanila.
I was actually nervous. I am afraid that Keith might take my child away from me.
He's an Armalana, he has money and he can do that easily. Ayaw ko sanang gawin 'to ngunit may punto pa rin sina Fabella Ruwiz, karapatan ni Keith na makasama rin ang anak niya. Hindi ko dapat ito ipagkait sa kaniya kahit na napakalaki ng galit ko sa kaniya.
Sumang-ayon na rin naman si Mama rito sa desisyon ko. I still love Keith, which could be one of the reasons why I just want to keep my son away from him. Yes, I admit that I want him to marry me, but it's impossible. Sa aming dalawa, ako lang naman ang nagmahal.
Ang t*nga ko.
Nagpahatid na ako sa driver namin. Wala rin naman dito ang nakakatanda kong kapatid ngayon. Nasa Consejo's siya, doon siya nagta-trabaho sa kompanyang 'yon.
He really looks miserable and upset lately. Alam ko naman ang dahilan. I couldn't believe this, of all people in this f**king world. Why did he fall in love with that f**king b*tch?
I have hated that b*tch since then.
Wala nga lang talaga akong magagawa ro'n. Isa pa, tuluyan na talagang umalis ang babaeng 'yon.
Marunong nang maglakad si Bob kaya hawak-hawak ko na lang ang kamay nito nang makapasok kami sa mall. Hindi naman siya makulit na makulit. Mabait siya.
Naabutan ko na sila roon na ako lang ang hinihintay.
Yes, sila.
Tumupad siya sa usapan. Sinabi ko kay Keith na dapat kasama niya na ang mga magulang niya. Pumayag naman siya sa gusto kong mangyari. Alam na ng pamilya niya na may anak siya sa akin.
Napatayo sila nang makita akong dumating... kasama si Bob, ang anak ko.
Nakangiti lang talaga ngayon ang anak ko dahil natutuwa siya sa nakikita niya rito sa mall. "Are you ready, Bob?" I asked my son. He just giggled. Parang naintindihan niya nang lubos ang sinabi ko.
We slowly walked towards them. Nakita ko na nakangiti sa akin ang kanilang ina, nando'n din ang kapatid ni Keith na si Kit na ang sama ng tingin sa akin.
Napairap na lang ako. May galit pa rin talaga si Kit lalo na sa ginawa kong pagpapapunta sa kanila sa Cebu tapos wala silang napala.
I sighed. "Hi," bati ko. Kinarga ko na lang muli si Bob. Nakatingin lang silang lahat sa anak ko.
"Kamukha mo," tukoy ni Mrs. Armalana kay Mr. Armalana. Pinilit ko na lang na ngumiti. Noon pa man ay alam ko na talagang ang tatay ni Keith ang hawig na hawig kay Bob.
Wala talaga akong matatago.
Armalana si Bob.
"Can I?" Keith extended his arms. Naintindihan ko naman 'yon kaagad. Tumango ako at ibinigay sa kaniya si Bob.
Napabuga ako nang malakas na hangin. Ito nga talaga ang dapat na gawin. Ayaw ko na rin na lumaki pa 'to.
"Sa akin pa rin uuwi ang anak ko. Puwede mo siyang makita kahit na anong oras. Just please, huwag niyo lang siya ilalayo sa akin," taas noong sambit ko.
"Of course not!" Mrs. Armalana said.
"Bakit naman namin gagawin 'yon? Hindi kami ikaw," sarkastiko pang sabi ni Kit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na samaan siya ng tingin.
Alam kong galit pa rin sila sa ginawa kong pagtago kay Bob sa kanila nitong nakaraang buwan. Masama na ba akong tao? Natakot lang talaga ako sa posibleng mangyari. Yes, nag-advance ako na baka kunin ni Keith si Bob papalayo sa akin.
"I was worried that if I introduced my child to Keith, he'd take him away from me," paliwanag ko. "But now, may tiwala na ako sa inyo, make sure—"
"Hindi lang kami ang dapat na mangako, Miss Mikai," Kit sternly said. Kinunotan ko siya ng noo. Bakit ba ang epal nitong kapatid ni Keith?
"Kit's right," saad naman ni Keith sa akin. He's smiling while he's carrying my son. "You should also promise not to run away with my son from us again."
My son... Our son...
Kung mahal lang sana ako ni Keith katulad ko sa kaniya ay wala sana akong mararamdamang kirot ngayon.
Napataas naman ang kaliwang kilay ko. "Hindi ko kayo tinakasan," sabi ko. "First of all, ayaw mo naman ng bata 'di ba? Kaya hindi na ako nag-abalang sabihin sa'yo na buntis ako."
"So, when you found out you were pregnant, you fled abroad to avoid embarrassment and also to get away from us," wika ni Kit bago niya ako ismiran.
Sa totoo lang, hindi naman siya ang kausap ko, bakit panay epal siya?
Sasagot sana ako pero nagsalita si Mr. Armalana. Sinusubukan talaga ako ng Kit na 'to!
"Stop that," he told Kit. Mr. Armalana looked at me. "We assure you, Miss Mikai, that we won't keep him away from you. We are not the villains in this situation."
"Mikai is..."
"Kit Blake, I said stop," saway pa ni Mr. Armalana. Inirapan ko lamang siya.
Hindi ko na lang pinansin si Kit. "What's my grandson name again?" tanong ni Mrs. Armalana sa akin.
I smiled at her. "Breoxiebrent Serratore," sagot ko.
"Armalana," pagtatama ni Keith. Tumango na lang ako. Yeah, right.
"Parang ang hirap naman isulat niyan," natatawang sabi ni Mrs. Armalana.
"Bob for short," sabi ko na lang din. Tatlo kasi ang pangalan na naiisip kong ipangalan sa kaniya. Hindi ako maka-decide kung alin do'n kaya pinaghalo-halo ko na lang.
Breoxiebrent.
Bryce, Oziel, Brently.
Pinalitan ko na lang ang ibang mga letra katulad ng y at z.
Pagkatapos niyon ay nagpatuloy lang kami sa pag-uusap. Tama talaga si Fabella na ang lahat ay nadadaan sa usapan.
Kasama sa piang-usapan ang Do's and Don'ts and set up namin nito.
Gaya ng sabi ko ay puwede niyang dalawin ang anak ko araw-araw. Tutal, nag-aaral pa rin naman ako. May klase pa ako araw-araw.
Mabilis lang naman talaga ang class ko. Umuuwi na kaagad ako sa bahay lalo na kung wala kaming practice sa cheerleading. Hindi lang ako sa cheerleading, kasali rin ako sa dance group ng university.
Sunod-sunod nga bigla ang competition namin ngayon. Gosh. No wonder, taon-taon naman ay ganito.
Nothing could ever change the fact that I am a dancer.
Graduate na sana ako pero tumigil talaga ako sa pag-aaral ko dahil nga nabuntis ako. Marami akong gin-ive up before pero wala naman akong pinagsisihan. Pinili ko ang anak ko at paulit-ulit ko siyang pipiliin.
Sinabi lang sa akin ni Mama na tuparin ko pa rin ang pangarap ko sa sarili ko. Suportado lang naman nila ako.
I smiled.
Nagkasundo kaming lahat. Pagkatapos kong makipag-usap sa mga Armalana ay sa anak ko naman sila nag-focus.
Nandoon lang ako. Pinanood ko lang sila habang nilalaro pa si Bob. Kinarga naman ni Mrs. Armalana si Bob at nagpaalam sila na ilalakad-lakad lang daw ito sa mall.
Medyo may pangamba pa sa dibdib ko but I calmed myself down. May tiwala naman ako kay Mrs. and Mr. Armalana.
At may kasunduan na talaga kami.
Naiwan kaming tatlo. Ako, si Keith at Kit sa lugar na 'yon.
"Hindi ko pa rin nakakalimutan 'yong mga kasinungalingan mo, Mikai," biglang sabi ni Keith.
"Move on," mataray na sabi ko. Tiningnan ko pa siya mula ulo hanggang paa.
"Maling-mali ka ro'n," sabi naman ni Keith. He made a 'tsk' sound. Inirapan ko rin siya. Pinanatili ko ang mataray kong ekspresyon sa kanila.
Hindi alam ni Keith na mahal ko siya. Akala niya no strings attached kami no'n pero t*ngina, na-attached talaga ako sa kaniya. Next thing I knew, I am stupidly in love with this man.
But I am not Fabella Ruwiz kaya hindi ako nagpapakat*nga sa Keith na 'to.
I crossed my arms. "Right. Pero hindi pa rin ako magso-sorry. Kasalanan niyo rin 'yon. Nagbibiro lang naman ako tapos kumagat kayo."
"Mukha ba kaming nakikipagbiruan sa'yo no'n, Mikai?" sabi pa ni Kit. Kanina pa talaga 'to namumuro sa akin.
I faced him. "You know what, kanina ka pa. Puwede bang tumahimik ka?"
Umismid si Kit. Talagang guwapo rin 'to si Kit pero si Keith ang mas bet ko sa magkapatid. Mas guwapo si Keith sa paningin ko, duh! I mentally rolled my eyes.
At isa pa, napakasama ng ugali ng lalaking 'to, kahit na may so-called heart daw ang mga R's. They have this charity or foundation? I am not sure, alam ko may pinagkaiba 'yon, yata? pero marami na rin silang natulungan, tumutulong sila sa mga naghihirap sa buhay sa loob at labas ng Tastotel City.
Kahit naman tinagurian na pinakamayamang lungsod ang Tastotel ay mayroon pa ring lugar dito na naghihirap.
"I'm just stating the fact here," mayabang na sabi ni Kit. "Nasayang lang ang oras namin sa pagpunta sa Cebu dahil sa'yo," sabi niya. Natawa naman ako kaagad.
"Stop, okay?" singit naman ni Keith. "Kit, please be quiet for a sec," he said to Keith.
"Okay," sagot naman ng kapatid niya. Sinamaan niya muna ako ng tingin bago siya naglakad papunta sa direksyon kung saan din dumaan ang mga magulang niya kasama si Bob.
I rolled my eyes. "I've come to the realization that I owe you an apology..."
Napatingin ako nang ditetso kay Keith Louisse nang sabihin niya 'yon.
"For what?" tanong ko. Tumaas pa ang kaliwang kilay ko sa kaniya. Hindi ko pinahalata na apektado ako sa presensya niya. Kanina pa.
"Alam ko na nasaktan kita," sabi niya. Buti alam mo. Pinilit ko naman na matawa sa sinabi niya kahit wala naman talagang nakakatawa.
"Sa? Bakit naman ako masasaktan?"
Nag-iwas na lang ako ng tingin, umiiling-iling habang natatawa nang marahan.
"Sa nagawa ko 3 years ago. I should haven't pushed you away," sabi niya pa. Pinilit ko na lang din na mapangiti.
"It's a long time ago, Keith. Nakapanganak na nga ako, tatlong taon na rin si Bob kaya no need to say sorry," sabi ko. He nods at me.
Lahat ay naging awkward na. Napakamot pa siya sa ulo niya. Natahimik lang din ako ng ilang segundo.
"Masaya ako na walang na-develop," sabi niya na naman. Tumingin ako ng diretso sa kaniya.
"Meron," mabilis at seryosong sabi ko. Natigilan naman siya. Halatang nagulat sa sinagot ko. Tumingin lang ako ng diretso sa mga mata niya. Nasasaktan na naman ako.
Keith Louisse is the man that I can't have.
"B-Baby... may na-develop na b-baby. Congrats, D-Daddy ka na," kumikibot pa ang labi na dugtong ko.
Hindi lang naman talaga baby ang na-develop. Pati ang feelings ko sa kaniya. I love him, hindi ko na rin kailangang umamin dahil alam ko na hindi niya naman kayang ibigay ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa kaniya.
No'ng una pa lang alam ko nang hindi niya naman ako mamahalin pero ang t*nga ko pa rin sa part na nahulog ako sa kaniya.
Until now, mahal ko pa rin siya.
"I know. I'm glad," sabi niya. "Gusto ko rin humingi ng tawad dahil sinabi ko sa iyo na ayaw ko ng baby. Isa rin 'yon sa nagtulak sa iyo para hindi sabihin sa akin na buntis ka at ako ang ama," sabi niya na naman.
Nag-peke na naman ako ng tawa. "Keith, matagal na 'yon."
"Sorry, still," sabi niya.
"It's okay," halos pabulong na sabi ko. Tumango lang siya.
"L-Let's go? Puntahan na natin si Bob," dugtong niya.
Ang awkward!
Tumango na lang ako sa kaniya. Nauna na siyang maglakad sa akin. Sumunod lang din ako.
I gulped hard. Mabagal lang akong naglalakad habang nakatuon ako sa likod niya. He has a sexy body that I can't stop staring at.
Mahal ko na talaga siya no'n kaya ilang beses din akong nagpagamit sa kaniya. Sa akin palagi ang takbo niya, wala nang usap-usap. Dadalhin na niya ako kaagad sa langit.
Mas mabilis siyang maglakad sa akin kaya papalayo siya nang papalayo. I suddenly felt the pain inside my chest again. It felt like I was alone again. He's leaving me behind: as if he was walking away from me. He's fast: I couldn't even get close to him.
Hindi magiging dahilan ang anak ko para magkaroon din siya ng feelings sa akin. Magsisinungaling ako kung hindi ko naisip ang bagay na 'yon, na hindi ako umasa.
"I love you..." bulong ko na lang sa hangin. "I still love you."
Binilisan ko pa ang paglalakad ko. Natanawan ko naman sa hindi kalayuan ang anak ko na karga-karga ni Mrs. Armalana. Nasa loob sila ng playground sa mall at kitang-kita ko pa rin naman sila sa posisyon ko.
They have big smiles on their faces. I smiled. Right now, I've discovered that I have made the right decision.
Sa kanila ako nakatingin, hindi sa dinaraanan ko kaya nanlaki na lang ang mga mata ko nang bigla akong mabangga sa kung sino. Malakas 'yon kaya hindi ko na nabalanse ang sarili ko, mukhang mararamdaman ko ang sahig sa likod ko ngunit hindi nangyari 'yon.
My heart is pounding.
Nahawakan ako nang kung sino man sa aking magkabilang beywang upang mapigilan ang pagbagsak ko. Napanganga naman ako. Napatingin ako nang diretso sa taong 'yon. Ang nakasalo sa akin.
He's unfamiliar. I guess, nakasuot kasi siya ng shades kaya hindi ko naman makita ang kabuuan niyang mukha. Ang kaniyang mga mata ay hindi ko makita.
Hindi na ako nakipagtitigan sa kaniya. Tinulak ko siya papalayo sa akin. Inayos ko naman ang sarili ko.
"Sorry."
Ako na ang nag-sorry. Kasalanan ko rin naman. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya, dali-dali ko na siyang nilagpasan.