Chapter 3

2191 Words
Katulad ng balak ko ay gusto kong maghanap ng infos tungkol dito sa lalaking 'to. Hindi rin naman siya mawala sa utak ko kaya ginagawa ko na 'to. Martines Rocha. Hindi nga ako nagkamali. He's a professional photographer. Hindi na talaga ako magtataka. "Kumusta ang shoot kahapon?" Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Mama. Napatayo pa ako nang makita ko na karga niya si Bob. Kinuha ko ito sa kaniya ng may ngiti sa aking mga labi. "Okay naman, Ma," sabi ko pa. "Napapaisip pa rin talaga ako kung kailangan ko pa bang ipagpatuloy 'to." I kissed my son's forehead. He just giggled at me. Isama ko kaya 'to sa mga susunod kong photoshoots? Sabi sa akin ni Madam Eva ay may mga susunod pa. Next week daw, for this week, magpo-focus na ako sa studies ko since napakaraming ipapasa. Si babaeng hitad kaya? We're just blockmates and malapit na namin matapos ang college pero umalis pa rin siya. Huli ko siyang nakita ay do'n sa hospital, nakasalubong ko siya pero hindi niya naman ako napansin. Hindi rin naman nagku-kuwento si Kuya Nikolai sa huli nilang pag-uusap, meron silang gano'n since tumakas si Kuya sa hospital para lang puntahan ang babaeng 'yon. "Gusto mo pa ba?" tanong sa akin ni Mama. Tumango naman ako sa kaniya. "Go for it. Ano ba ang inaalala mo?" tanong niya sa akin. Napabuntong hininga naman ako. "I have a lot of bashers kahit saan ako magpunta, napakarami kong bagay na naririnig tungkol sa akin. Lahat 'yon, masasakit sa tenga." My mother just held my shoulders. "Bakit mo ba kasi sila pinapansin? Huwag mo silang pakinggan, huwag mo silang tingnan. Higit naman na mas marami ang sumusuporta sa'yo. Sabi pa nga no'ng isa na tumakbo ka raw ng Miss U next year," she stated. Natawa na lang ako. May punto si Mama, pati na rin si Madam Eva. Hindi ko dapat sila iniintindi kasi hindi naman nila ako naiintindihan. 'Di ba nga kilalang tao na ako before pa ako mabuntis. Marami na talagang sumusuporta sa akin. Kaya naman nang biglaan akong nawala. Ang daming chismis tungkol sa akin na wala naman katotohanan. Ngayon na nalaman nilang may anak kami ni Keith. Ang dami rin nilang sinasabi sa akin. Eto pa ang nakakainis! Literal daw na mas malala ako kay Eirah Bennisse! Nilandi ko raw si Keith! Without knowing na si Keith talaga ang unang lumapit sa akin. May laro sila no'n sa basketball then nagkita kami, 'di ba nga nasa cheerleading ako. Nagpo-perform din kami dati no'n bago magsimula ang basketball game. Tapos ayon, nilapitan ako niyan ni Keith, kinausap nang kinausap until he asked me for a date, alam na kung ano ang kinalabasan nang gabing 'yon. Doon nagsimula ang pagiging FUBU or F**king Buddies namin hanggang sa nabuntis niya ako buwan ang nakalipas. "Masyadong mataas ang Miss U. Model-model muna ako." I laughed. Napalingon lang kami pareho nang marinig namin ang mga yabag ng kapatid ko na pababa ng hagdan. Nakasimangot pa rin siya. Nakasimangot na talaga siya araw-araw simula nang umalis si hitad. "Consejo?" tanong ni Mama. Tumango lang ang kapatid ko. Lumapit siya kay Mama at sa akin upang halikan kami pareho sa pisngi bago siya tuluyang umalis. "Hindi ko pa rin nako-contact si Eirah, pero sabi niya sa akin ay babalik siya," sabi na lang ni Mama. I snorted. "Huwag muna umasa, Ma, baka hindi na siya bumalik." "Ang negative mo," sabi sa akin ni Mama. "Akin na si Bob, tapusin mo na 'yang mga dapat mong tapusin," sabi niya't kinuha niya sa akin ang anak ko. Gustong-gusto talaga ni Mama na siya ang mag-aalaga kay Bob. Napangiti na lang ako. Bago pa man niya ako talikuran ay napalingon na naman kami nang bigla namin nakita si Kuya Nikolai na papasok ulit ng bahay. Bakit siya bumalik? Hindi na siya lumapit sa amin. "Sasapakin ko ba 'yong Armalana sa labas?" sabi niya. Natigilan naman ako sa sinabi niya. "Keith or Kit?" tanong ni Mama. "The adorable one," sagot nito. Hindi ko maiwasan na matawa ng sobra. "Agree ka pala sa akin na adorable si Keith?" natatawang tanong ko. Sinabi ko kasi na napaka-adorable ni Keith katulad ng anak ko. "Ano nga? Sasapakin ko na ba 'yon?" tanong niya. Lumapit ako kay Kuya. "Ako na," sabi ko sa kaniya. Nagsimula na akong maglakad papalabas ng bahay. "Ikaw ang sasapak?" Nakasunod na siya sa akin. "Hindi, okay na kami ni Keith. Huwag mo na siyang awayin," sabi niya. Napapalatak lang siya sa sinabi ko. Nakita ko naman si Keith na nakatayo lang sa labas ng bahay namin. Sinamaan muna siya ng tingin ng Kuya ko. Binangga muna siya nito sa balikat nang lalagpasan na bago nagtungo ang kapatid ko sa kotse niya't umalis na. Napangiwi naman ako. "Ang laki pa rin ng kasalanan ko kay Nikolai. Tsk," bulong ni Keith. "Okay lang 'yon. Tuwang-tuwa rin naman siya sa anak mo," sagot ko na lang. Pinilit ko ang sarili ko na maging normal lang sa harapan niya. Kinunotan niya lang ako ng noo at tiningnan ng maigi. Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng buong katawan ko dahil sa kaniyang ginagawa. "Uhm, w-wanna see him?" tanong ko na lang para mabasag ang katahimikan. Bakit pa ako nagtanong, eh, malamang sa malamang ay siya talaga ang pinunta nito rito. Alangan naman na ako. "Yeah," he smiled at me. I nodded. Bigla ko na namang naalala si Mr. Rocha, 'yong photographer. I am now comparing their smiles. When Keith smiles, it's as if my day has already been completed. Parang katulad lang kapag nakikita ko ang paghagikhik ng anak ko. I love Keith's smiles, noon pa man, even if he doesn't like mine. He's not in love with me. Facts. I sighed. Nauna na ako sa kaniyang maglakad papasok. Sumunod lang naman siya sa akin. Naabutan namin si Bob sa may living room habang karga-karga ng Mama ko. "Good morning, Tita Karen," bati pa ni Keith sa ina ko. "Good morning din, Keith, oh," sabi ni Mama at siya na ang lumapit kay Keith upang ibigay ang anak ko. Kinuha naman ito kaagad ni Keith. "Maiwan ko na kayo," sabi ni Mama kay Keith. Napatango na lang ako. I turned to Keith. Malawak na naman ang kaniyang mga ngiti habang nakatingin sa anak ko. Napangiti na lang din ako. "Why Breoxiebrent?" tanong niya sa akin. Hindi ko pa pala nasasabi sa kaniya ang origin ng pangalan ng anak niya. Ibinaba niya Bob sa sahig. Inalalayan lang niya ito sa paghakbang. "Bryce, Oziel and the Brently," sabi ko na lang. "Hindi kasi ako makapili kung ano ang gusto kong ipangalan kaya pinaghalo-halo ko na lang." "I know he'll be more attractive than me when he grows up," sabi niya habang nakaalalay sa anak ko sa paghakbang nito. Nakita ko naman na ang higpit ng kapit ng anak ko sa kaniya. Humahagikhik na naman ito. I smiled. "Mas marami rin bang papaiyakin na babae? 'Wag naman sana," sabi ko pa. Napaismid naman ako. "Wala naman akong pinapaiyak." Huh? "Oh, talaga ba, Keith?" "Yes, never." Napakasinungaling ng lalaking 'to! "Sabi mo, eh," sabi ko na lang. Hindi na ako kokontra sa sinabi niya kahit na alam ko na napakalaking kasinungalingan 'yon. Wala pa siyang napapaiyak? Seryoso? Ano na lang bang say ng mga babaeng pinaiyak niya sa Tastotel noon? Porke, hindi na siya nag-aaral do'n ay nakalimutan niya na lahat ng kalokohan niya?! May barkada 'yan, eh. Hanggang ngayon pa rin naman ay magkakaibigan sila. Sina Fabella Ruwiz, tapos 'yong pinsan niyang si Misael Consejo. Si Adam Llagas, Achilliance Montinelli, isa pa 'yong bigatin din nilang kaibigan na si Xander Alejandro, and then lastly si James Sandoval. May gusto ako noon kay James Sandoval pero si Keith talaga ang minahal ko nang ganito. Sa magkakaibigan nila ay parang si James and Misael lang ang matino, hindi masyadong babaero. I can tell. Ano nga ulit? Walang pinapaiyak na babae? T*ngina! Kasama nga ako sa mga pinaiyak niya. "Tell me more about my son. Sabihin mo rin 'yong pagbubuntis mo sa kaniya," he said with a smile on his face. "Gusto ni Bob na palaging niyayakap, hinahalikan, nilalambing siya. He likes that," sabi ko. "I see, thanks for taking care of him," sabi niya pa. Tumango na lang ako. Dapat lang! Patuloy pa rin ang paghakbang ni Bob. Inaalalayan siya ni Keith at nakasunod lang din ako. More on karga siya kaya hindi pa talaga siya magaling maglakad kahit na three years old na siya. Gustong-gusto niya lang kasi iyong hinehele siya palagi. "Careful, baka madulas sa tiles," I said. Dahan-dahan lang naman pero gusto kong maniguro. "Hawak ko," mahinang sabi niya. Tumango lang ako. "So 'yon, about naman sa pagbubuntis ko, 4 months pregnant ako no'ng nagtake ako ng PT. Kinabahan na kasi ako super delay na ako," panimula ko. "Then, nag-positive, iyak ako nang iyak kasi sabi ko hindi mo naman ako papanagutan." I faked a laugh. "You should've told me this before. Kaya pala bigla na lang akong hinarang ni Nikolai bago ko malaman na umalis ka. He punched me, pinagmumura niya pa ako, hindi ko naman alam ang rason," sabi niya. Hindi ko na lang 'yon sinagot iyong sinabi niya. Nagalit talaga ang kapatid ko no'n nang sabihin kong buntis ako at si Keith ang ama. Hindi niya rin ako kinontra sa desisyon ko na huwag sabihin kay Keith na nabuntis niya ako. Sabi sa akin ni Kuya no'n, mas mabuti na raw na walang alam si Keith. Ilayo ko raw ang bata at huwag na huwag sabihin kay Keith nang madala siya. Deserved. Nagpatuloy ako. "Dinala ako ng Mama ko sa States. I’m with my father too. Doon ko tuluyang inalagaan ang sarili ko. I told myself na makakaya ko rin 'to. Makakaya kong palakihin ang anak ko.. w-without you," sabi ko. I heaved a deep sigh. Nakasunod lang din ako sa kanila habang iniikot na ang buong sala. "When I first heard my son's heartbeat, nakaramdam ako ng sobrang tuwa, it was like, I will do everything for him. Lalo na no'ng una ko siyang mahawakan!" I exclaimed. Tumigil naman siya at hinarap ako ng diretso. Nawala ang ngiti sa labi niya. Napalitan ito nang pag-igting ng kaniyang mga panga habang nakatingin sa akin ng matalim. Napatikom naman ang bibig ko. May nasabi ba akong mali? "Alam mo ba na sobrang sama ng loob ko sa'yo? You didn't even let me feel and hear that too. There's so many questions, regrets in my mind. Nando'n dapat ako, eh. Kasama mo.” Napalunok na naman ako pero tumalim din ang mga tingin ko sa kaniya. "What do you want me to do that time? Sabihin sa'yo samantalang pinagtabuyan mo na ako no'n? Kasi sabi mo sa akin, sawa ka na. Wala kang paki sa akin, 'di ba? Kung may sama ka ng loob sa akin, ako rin!" Sinubukan ko naman na maging mahinahon pero nakaramdam ako ng inis. Totoo 'yon, bago ko pa malaman na buntis ako ay natapos na ang relasyon na kung anong meron kami. FUBU. Duh, lang kasi may dine-date siyang iba no'n habang may nangyayari sa amin kaya ako talaga ang kawawa. Natahimik siya. "I am really sorry," sabi niya. Tumango na lang ako. Siya pa nga nagpakuwento sa akin tapos siya pa magagalit! Nagbaba ako ng tingin kay Bob, hinalikan ko lang ito sa ulo niya bago ko iniwan ang mag-ama ro'n. Nakakainis. Eto na naman 'yong sakit. Humarap na lang ako sa computer ko at ipinagpatuloy ang pag-aaral ko. Napansin ko na dinaluhan ni Mama si Keith. Hindi ko na pinansin si Keith hanggang sa nagpaalam siyang umalis. I sighed. "Do you still love him?" nagulat ako sa biglaang tanong sa akin ni Mama nang lapitan niya ako. I nodded. "Yes. I do love him," sabi ko pa. Wala naman nang dahilan para itago ko sa pamilya ko. "Pero wala naman na akong magagawa," sagot ko. Marahan namang pin-at ni Mama ang ulo ko. "Meron pa if you'll tell him what you feel," sabi niya. Nanlaki naman kaagad ang mga mata ko at agad na umiling sa aking anak. "That's never gonna happen. Never," sabi ko. Itinaas ko pa ang dalawang kamay ko bilang hindi pagsang-ayon. Ngumiti lang siya sa akin. "Mikai, minsan, nakukulong tayo sa pagmamahal," sabi niya. I furrowed. Anong ibig niyang sabihin? "Ma?" "Tapusin mo na 'yang mga ginagawa mo," tukoy niya sa mga written works na nasa lamesa ko tapos ay iniwan niya na ako ro'n. Hindi ko naman maintindihan kung ano ang gusto niyang sabihin. Umiling-iling na lang ako. Maya-maya pa, nang i-check ko ang cellphone ko ay agad na napataas ang kilay ko nang makatanggap ako ng mensahe mula kay.... Hello, this is Martines Rocha, and I'd like to inform you that I have rescheduled the photoshoot for tomorrow rather than next week. See you. Napangiwi naman ako kaagad. So, sira na naman kaagad ang schedules ko? Hindi na ako nag-abalang mag-reply sa kaniya. Mas minabuti ko na matapos 'tong mga kakailanganin na ipasa sa Tastotel University. Mas mabuti kung on time ako magpasa lalo na't namumuro na rin ako sa professor ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD