The photoshoot is over. I smiled bitterly at Keith.
“Where do you wanna go?” tanong niya na may halong ngiti. Ang kaibahan lang naman sa ngiti niya at ngiti ko ay sa kaniya totoo, sa akin pilit.
I am a little bit sad. No, malungkot talaga ako. Hindi ko naman kasi inaasahan ang mga nalaman ko ngayong araw. Lalo na ang pagbitiw sa akin ni Martines. Rinig ko rin na ngayon na siya babalik abroad.
Akala ko pa man din ay magkikita pa kami sa photoshoot na ‘to. “Bahay na lang,” sabi ko sa kaniya. I am really trying not to be cold.
“Sige, but kain muna tayo, saan mo gusto?” he asked. Sumang-ayon lang ako sa sinabi niya. I told him where we’re going to eat. Hindi pa rin naman kami nakaalis sa beach. Nag-aayos lang din naman ako ng gamit ko then uuwi na rin kami. Nandito kami sa cottage dito, nagpapahinga lang. Hindi naman masyadong matao rito, free for anyone lang din ang beach na ‘to. Ingatan nga lang talaga ang kalikasan.
Anyway, kanina ko pa napapansin na panay tunog ang cellphone ni Keith. “Answer it,” utos ko sa kaniya. Kanina niya pa kasi pinapatayan ng tawag. Ganiyan naman na talaga si Keith kahit noon pa. Ang alam niya lang ay magpatay ng tawag lalo na kung alam niyang hindi naman kailangan.
Bakit ko nasabi? Palagi rin niya akong pinapatayan ng tawag noon.
Tumango lang siya sa akin. He even kissed me on my lips before he left the cottage. Malamang ay sasagutin niya na ang tawag.
Mabilis namang natapos ang pag-aayos ko pero hindi pa rin bumabalik si Keith. Nagdesisyon na rin ako na lumabas ng cottage.
Sinalubong naman ako kaagad ng malakas na hangin. Napansin ko rin ang lakas ng alon sa dagat, sobrang mahangin.
Yakap-yakap ko lang ang sarili ko habang naglalakad malapit sa dalampasigan. Medyo nilalamig din ako since naka-sleeveless summer dress lang naman ako.
Tinitigan ko lang din ang bawat paghampas ng alon. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo sa dalampasigan habang nakatingin sa mga alon. Kanina pa rin naman hinahangin ang aking buhok.
Nakatulala lang talaga ako habang iniisip si Martines Rocha.
Kung aalis ba talaga siya ngayon… kailan naman siya babalik?
Hindi ko maiwasan ang magkaroon ng katanungan sa isip ko tungkol sa kaniya. Naalala ko rin ‘yong na-moved iyong schedule ng photoshoot dahil nga sa kaniya. Sabi niya few weeks ago pero ilang buwan bago nakabalik. Nagparamdam no’ng gradutation ko. I mentally smirked. Maraming kompanya na hina-handle ang mga Rocha kaya sobrang busy niya talaga.
Busy tapos nagkaroon pa ng oras sa akin? Napairap na lang ako sa kaisipang iyon.
Hindi ko siya dapat iniisip kasi malamang sa malamang ay hindi niya naman ako iniisip. Sino ba ako? s*x lang naman talaga ang habol niya. G-Gano’n din ako…
S-Sa tingin ko…
Sa totoo lang ay madali lang naman niyang makalimutan ang isang tulad ko. Una na ro’n ay ang mga trabaho niya, napakarami! Photographer, plus mo pa iyong pagiging taxi driver niya?! Iyong mga kompanya nila. OMG.
He’s rich, he’s so attractive, kaya siguro kahit sinong babae riyan ay makukuha niya lang nang walang kahirap-hirap.
Parang ako lang…
Napabuntong hininga na lamang ako. Dapat talaga ay hindi hindi ko na siya iniisip ngayon. Nonsense. Si Keith, ang anak ko— ang pamilya ko ang dapat kong iprayoridad sa utak ko.
H-Hindi ‘yang Martines Rocha na ‘yan!
Pero hindi ko talaga maiwasan na hindi siya isipin. Parang nag-flashback sa akin lahat simula nang dahan-dahan niya akong lingunin at makita ko kung gaano siya kaguwapo.
Natawa na lang ako. Siguro sira na talaga ang poise ko no’n. Nakanganga na ako at naglalaway sa kaniya no’n. Masisisi ba ako, eh, sobrang guwapo niya talaga.
Mas guwapo pa kay Keith?
N-No.
Guwapo rin talaga si Keith.
I love Keith. I know that I still love him. Buo ang desisyon ko na magpapakasal kaming dalawa.
Para kay Bob at para sa akin.
Nakatayo lamang ako ro’n. Iniisip lang si Martines, nakakainis. Nakakapikon ‘tong utak ko. Kahit na ilang beses ko nang sabihin na huwag isipin ay iniisip pa rin ito.
“Nakaalis na kaya si Martines?” tanong ko na lang sa aking sarili. Hinahangin pa rin ang mga buhok ko at yakap-yakap ko pa rin ang sarili ko. Pakiramdam ko ay sobrang lungkot ko talaga dahil aalis si Martines Rocha, baka nga hindi na kami ulit magkikita.
Pero ito naman ang gusto ko, ‘di ba?
“Kailan kaya siya babalik?” tanong ko na lamang muli. Mahina lamang ang aking boses, wala naman akong kasama rito kaya naman…
Walang mag-aakala na nababaliw na ako.
Nababaliw kakaisip sa lalaking may pangalan na Martines.
Bigla na lamang nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko na lamang na may pumulupot na braso sa aking beywang mula sa likod. Nanlaki ang mga mata ko. Gusto ko sana itong lingunin ngunit nang magbaba ako ng tinigin sa kaniyang kamay na nakapulupot sa akin ay napansin ko ang pamilyar na mauugat nitong kamay.
“Hi…”
Ang pamilyar niyang boses.
Hindi na ako nag-abalang lingunin siya. Nararamdaman ko ang kaniyang dibdib sa akin likod. Hanggang balikat niya lang naman ako kaya wala sa sariling isinandal ko ang aking ulo sa may bandang balikat niya.
“Hello,” sagot ko na lang din sa kaniya. Humigpit ang pagkakakayakap niya sa akin patalikod. “Akala ko aalis ka?” hindi ko naiwasan ang mapatanong. He just kissed my temple.
“I found a reason to stay. Gusto mo ba akong umalis?” he asked. Hindi ako nakasagot.
Gusto ko nga ba siyang umalis? I don’t know. Pero sinasabi rin ng utak ko na kailangan niyang umalis para naman makalimutan ko na siya. Huwag na rin siguro siya bumalik or magparamdam sa akin. Kailangan kong i-priority ang mag-ama ko. Si Keith and Bob.
We stayed at that position while looking at the shore. He kissed me on my temple. “You’re not going to marry him, Mikai,” he said huskily.
Napalunok naman ako. “I-I love h-him,” sagot ko na lang sa kaniya. Bigla niya naman akong pinaharap sa kaniya. Sinasabi ko na nga ba’t siya si Martines kahit na hindi ko siya lingunin.
I saw him smiled at me. He cupped my face. Tumingin lamang ako ng diretso sa kaniyang mapang-akit na mga mata.
“You’re the most beautiful woman I have ever seen, Mikai,” sabi niya na lang bago niya ako simulant na halikan sa aking mga labi.
The other side of my brain told me that I should push him away now, but I couldn’t. Katulad lamang ng palaging nangyayari ay lumalaban lang ako sa kaniyang mga halik. Lalo lamang umiinit.
Dahan-dahan pang bumaba ang kaniyang mga halik sa aking leeg. Doon na nagmulat ang mga mata ko at itinulak ko na siya papalayo.
Umiling-iling ako. “T-This is wrong,” sabi ko sa kaniya.
Ang landi ko! Nalalapit na ang pagpapakasal ko pero ito pa rin ako! Ano ba ang nangyayari sa akin? I should be loyal on Keith.
“This isn’t wrong,” sabi niya. Napailing na lang ako at naglakad papalagpas sa kaniya. Kahit na may parte sa akin na hindi sumasang-ayon sa ginawa ko ay pinilit ko pa rin kasi ito ang makabubuting gawin. Hinabol niya naman ako at hinarang ang aking daraanan.
“Mr. Martines Rocha, this is wrong. Magpapakasal na ako. Hindi ‘to tama,” I declared.
He furrowed. “Then, cancel the wedding. Hindi mo siya papakasalan.” Napasinghap naman ako.
“Papakasalan ko siya kasi mahal ko siya. Akala ko ba hindi ka namimilit?” Ipinakita ko sa kaniya na may inis sa mukha ko kahit na ang totoo ay gusto ko na lang siyang yakapin nang mahigpit.
“Mahal mo siya? I don’t agree with that. Kung mahal mo siya, hindi mo lalabanan ang mga halik ko,” sabi nya. Napanganga na lang ako habang nakatingin sa kaniya. Nakatiim na ang kaniyang panga habang nakatingin din sa akin ng diretso.
“Ang nararamdaman ko kay Keith ay pagmamahal, sa iyo–libog lang. Nalilibugan ako sa iyo noon pa kaya naman lumalaban ako sa mga halik mo!”
This time, hindi ko alam kung nagsisinungaling ba ako o nagsasabi ng totoo. Ilang beses lamang akong napalunok.
He grabbed my arm. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. “Tell me the truth,” mahinang sabi niya. He slowly kissed me on my forehead. Napasinghap na naman akong muli. Tinulak ko siyang muli papalayo sa akin. Nagyuko ako ng tingin. Binawi ko na rin ang aking braso sa pagkakahawak niya.
“No,” sabi ko sa kaniya. “That’s the truth, believe it or not, I don’t care. Umalis ka na,” sabi ko sa kaniya.
Sasagot pa sana siya sa akin pero napalingon kami pareho nang tinawag ng kung sino ang pangalan ko. “Mikai…”
My mouth parted. It was Keith. Nakatingin siya pareho sa amin. Nang bumaling naman ako kay Martines ay masama na naman ang titig nito kay Keith.
Agad akong naglakad papalapit kay Keith. Hinawakan ko siya sa kamay niya. “I think we should go,” sabi ko sa kaniya at hinila na papalayo. Nilingon ko naman si Martines. Nakatingin lamang siya ng diretso sa amin. Pinapanood kami na maglakad papalayo.
“Kaibigan mo ba si Martines?” he asked me while we’re walking. Pabalik na kami niyon sa cottage. Hindi ko na nilingon si Martines dahil pakiramdam ko ay sasabog ako sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon.
“Sort of. Siya kasi iyong photographer ko then may sinabi lang siya sa akin, basta ‘yon. N-Nothing important,” sabi ko na lang. Sumang-ayon lang naman siya sa akin at hindi na nagtanong patungkol doon. Pero napansin ko na parang may mga tanong din siya na gustong itanong sa akin ngunit hindi na niya tinanong pa.
Hindi ko na nakita si Martines Rocha hanggang sa makaalis kami ng beach.
Katulad lang ng plano naminni Keith ay kumain na muna kami bago kami umuwi sa bahay.
“Are you okay?” he asked me. “Kanina ko pa napapansin na matamlay ka? May problema ba?” tanong niya sa akin. Nagbaba lang akoi ng tingin. Hinawakan niya naman ang aking dalawang kamay.
“Mahal mo ba talaga ako?” mahinang tanong ko. Napansin ko na natigilan siya sa sinabi ko. I slowly look at his face.
Aaminin ko na wala akong naramdaman na kahit anong excitement sa tanong ko sa kaniya. Para bang wala na sa akin kung oo o hindi ang isasagot niya.
Tumango siya. “Yes. I love you, hindi kita aayain na magpakasal kung hindi kita mahal. I am just so stupid not to figure it out early,” sabi niya.
Napabuntong-hininga na lang ako. Tumango-tumango na lang din ako at pagkatapos ay yumakap ako sa kaniya.
Pabor na pabor dapat sa akin ang nangyayaring ‘to. “I love you too, Keith,” sabi ko na lang sa kaniya pero wala akong ibang nararamdaman bukod sa inis sa sarili ko.
This is what I wanted. Bakit na naman ako nagdadalawang-isip tungkol sa kasal?
Hindi ba dapat ay matuwa ako sa mga nangyayari?
‘Di ba sabi ko sa sarili ko noon na mahal na mahal ko ang lalaking yakap-yakap ko ngayon at kapag in-aya niya akong magpakasal ay mabilis akong papayag?
Alam ko kasi na hindi ako kayang pakasalan ni Keith noon kaya isa rin sa mga rason kung bakit hindi ko kaagad pinakilala ang anak ko sa kaniya.
Bakit?
Bakit ngayon para bang gusto ko na lang i-atras ito? Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay ang imahe lamang ni Martines ang nakikita ko. Na dapat ay hindi ko na lang siya iniwan sa beach kanina.
Nagpaalam sa akin si Keith na kailangan siya sa opisina. Tumango lang din naman ako sa kaniya.
“What is happening…” bulong ko na lang sa sarili ko. Nagtungo na lang ako sa nursery room. Nandoon si Mama at ang anak ko.
Malumbay lamang ako na lumapit sa kanila. Napansin naman ni Mama ang itsura ko kaya naman ay agad niya akong tinaasan ng kaliwang kilay.
“Anong problema?” tanong niya sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako. “Wala, Ma,” I tried to smile at her.
“Hindi nagsisinungaling ang mga mata, Mikai. You look upset, what’s the matter?” tanong niya. Siguro nga madaling sabihin na wala akong pakialam kay Martines. Pero sa totoo lang ay guilty ako sa mga sinabi ko kanina. Libog nga lang ba talaga?
“Wala naman po, Ma,” sabi ko pa sa kaniya. Kinarga ko ang anak ko na hawak ni Mama. Sa kaniya ko muna itinuon ang atensyon niya.
Hindi naman siya sumagot sa akin pero ramdam ko ang mga titig niya sa akin na parang alam niya kung ano ang nangyayari.
“Ma, okay nga lang po ako,” magalang pang sabi ko. Naupo siya sa couch na nandoon lang din sa room na iyon.
“Talaga?” she asked. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. “Sino naman iyong sumundo sa iyo no’ng gabi ng graduation mo?”
Natigilan ako at literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
“N-Nakita m-mo?”
“Yeah. Nakita ko kayo. No’ng ilang oras na at hindi ka pa bumabalik, I thought you have been kidnapped, pero kusa kang sumama, eh,” sabi niya. Napatikom naman ako kaagad ng aking bibig. Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot. “Pero ang sabi ng Kuya mo, at sabi mo rin ay kaibigan mo kaya kampante na ako.”
Hindi ako muling nakasagot. “Pero nagtataka ako, sino ba ‘yon?”
Dapat ko pa bang itago sa kaniya? Bigla ko rin naalala na si Eirah at Martines ay magpinsan. Wala namang confirmation pero alam ko talaga ay Callabanes ang apilyedo ni Eirah.
“Martines Rocha,” sabi ko at pinilit na ngumiti. “Siya ‘yong photographer ko.”
“Okay. I understand. Anyway, nasabi mo naman na kay Keith na mahal mo siya noon pa, ‘di ba?”
Tumango naman ako kaagad. I kissed my son’s forehead.
“Mahal mo pa rin ba hanggang ngayon?”
Natigilan akong muli pero tumango na lang din ako.
Mahal ko pa si Keith. Period.