KABANATA 21 Contest Isang linggo ang lumipas ay nakatanggap ako ng mensahe kay coach na may meeting kami ala singko ng hapon kaya agad kong tinext si dad at Luke na mamaya pa ako makakauwi dahil sa meeting. "Lunch?" Tanong ni Oliver sa labas ng classroom namin. Tumango ako at sumunod sa kanya. Lumingon ako sa kanila Ellie at Bailey na kumakaway sa akin. Pagkatapos noong nangyari sa booth ay magkasama lang kami buong mag hapon. Hindi ko napansin na pumunta pala si Luke pagka-alis namin ni Oliver at hinanap ako, I felt bad dahil sinabihan ko na pupunta sila doon pero ako yung wala. Nagtanong lang siya sa akin sa bahay kung saan ako at sinabihan ko na nasa cafeteria at totoo naman. Nasa cafeteria kami ni Oliver tumambay habang nagpapaturo siya sa akin ng minor subjects. Masaya nga si E

