UNDERGROUND business was not a joke, ‘yan ang napatunayan ni Jin sa pagtakbo ng araw niya sa pag-aaral ng tungkol sa lahat ng iyon. Hindi lang kasi ang Dark Eagle ang dapat niyang aralin kung hindi pati ang front business nila na Toast Trading Co. at aaminin niyang mabigat ang pasanin na naiatang sa balikat niya. But he takes it as a challenge. “Young Master, ipinapatawag po kayo ng Papa ninyo,” sabi ni David kaya napatingin siya rito mula sa pagbabasa niya ng mga ledger ng Dark Eagle. “Nasaan siya?” “Nandoon sa opisina niya. Kadarating lang din niya.” Pagkasabi nito noon ay tumayo na siya sa kinauupuan niya saka tinungo ang ama. Nakasunod lang naman sa kaniya si David. Pagdating nila sa pinto ng opisina nito ay huminto na ito roon at nandoon din ang ilang katiwala ng Papa niya. “Ka

