MARAHANG hinawakan ni Jin ang kamay ng kaniyang ama, kahit hindi siya lumaking kasama ito ay ayaw pa rin ng binata na nakikita sa ganoong sitwasyon ang ama at hindi siya sanay na makitang nakaratay ito. Kasama niya si David nang gabing iyon. May mga tauhan din silang nasa labas ng silid at labas ng ospital para magbigay seguridad sa kaniyang ama. Oo, hindi siya lumaking malapit dito pero ito pa rin ang ama niya at hindi niya pwedeng hayaan na tuluyang magtagumpay ang mga kalaban nila. “David, we have to do something,” usal niya habang nakatingin at hawak pa rin ang kamay ng Papa niya. “Sabihin niyo lang po, Young Master, at gagawin po namin ang lahat ng gusto ninyo,” usal naman nito. “Pero hindi ko pwedeng sabihin dito. I need to discuss everything in private sa ngayon gusto ko na dito

