NANG mailagay na ni Jin ang urns sa pwesto nito ay mataman niyang tiningnan iyon. May Chinese character na nakasulat doon na ang ibig sabihin ay ‘Steve Li’. “Nakahanda na ba ang lahat?” tanong niya kay David nang hindi ito nililingon pero alam naman niyang nasa likuran lang niya ito. “Opo, Young Master, wala naman na kayong dapat na alalahanin dahil nakasunod naman ang lahat ayon sa utos niyo,” tugon naman nito. “Magbibigay sila ng update kapag nakaayos na ang lahat.” “Mabuti kung gano’n, siguraduhin ninyong walang makakahalata sa mga ginagawa natin. Ayaw ko man aminin pero alam kong maraming hindi katiwatiwala sa loob ng organisasyon. At alam mong marami ring hindi nagtitiwala sa kakayahan ko.” Pagkasabi niya noon ay humakbang na siya palabas. “Hindi man lang ba tayo magmamagdamag di

