PAGDATING nila Jin ng Hong Kong Central ay kinuha lang nila ang mga kailangan nila roon. Paglabas ni David ay may dala itong isang kahon pero hindi na siya nagtanong. Nagpalit din sila ng sasakyan dahil siguradong alam ng mga kalaban ang sasakyan nila. Sa pagkakataong ito hindi lang ang mga tao sa labas ng organisasyon ang kalaban nila kung hindi maging ang mga taong mismong nakinabang sa organisasyon nila. Kasama pa rin niya si David at si Suchang at may kasama pa silang dalawang tauhan na siyang iniiwanan nila doon sa bahay niya sa Hong Kong Central. “Siguradong ang secret files ang habol nila ngayon kaya hindi sila titigil,” usal niya nang makasakay na sila ng sasakyan. “Hindi kaya malaki ang kinalaman ni Ling sa nangyari kay Papa?” “Hindi kaya may kinalaman siya sa nangyari kay Papa

