NAGISING si Jin dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng kuwarto niya. Kaya napilitan siyang bumangon at tingnan kung ano ang nangyayari sa labas. “Anong nangyayari, David?” tanong niya rito nang makalabas siya ng kuwarto niya, malungkot itong tumingin sa kaniya kaya mas lalong nagsalubong ang kilay niya. “Malaking problema po, Young Master! Tinambangan daw ang sinasakyan nila Boss at kasalukuyan pong kritikal ang lagay niya sa ngayon,” pagbabalita naman nito sa kaniya. “Nasaan ngayon si Papa?” nag-aalalang tanong niya rin dito. Bagaman hindi siya malapit sa kaniyang ama ay hindi pa rin niya kayang may masamang mangyari dito, kahit na baligtarin niya ang mundo at kahit malaki ang pagkukulang nito sa kaniya ay ito pa rin ang tatay niya. “Nasa Shenzhen General Hospital po,” sagot naman

