“TINGNAN niyo na!” Galit na galit na sigaw ni Yuan sa mga bobo niyang tauhan. “Iisa lang ‘yong babantayan niyo, nalusutan pa kayo!” “Pasensiya na po, Boss!” wika ng mga ito sabay luhod sa harapan niya. “Mga wala naman kayong silbi!” Galit pa ring sigaw niya saka niya hinugot ang baril sa bewang niya at isa-isang pinaputukan ang mga walang silbi niyang tauhan na nakaluhod sa harapan niya. “Linisin niyo ‘yang mga kalat na ‘yan!” sigaw niya sa mga tauhan niyang nakatayo sa gilid. “Masusunod po, Boss!” “Saan ang punta ng anak ni Steve Li? Nalaman niyo man lang ba?” “H-hindi namin alam, Boss!” nag-aalangang sagot ng isa kaya galit siyang napalingon dito. “E-eh kasi, Boss, pinatay niyo ‘yong mga nakakaalam.” “Gusto mong isunod kita sa kanila?” bulyaw naman niya rito sabay tutok ng baril

