011

2301 Words
Chapter 11 "Kuya Sean, dito na lang ako sa gate ng Hacienda Saldivar," saad ko nang makarating kami sa harapan ng Hacienda. "Sigurado ka ba?" tanong niya. Tumango ako bilang sagot. Hininto niya ang sasakyan at pinatay niya ang makina. Ako naman tinanggal at seatbelt ko bago tanggalin ang pagkakalock ng pinto upang makababa. "Tumawag ka, ah. Ako ang magsusundo sa'yo sabi ni Tito Cairo," bilin niya. Tumango ako at saka kumaway sa kan'ya bago niya pinaandar ang kotse. Tumalikod na ako upang harapin ang Hacienda Saldivar. Mula sa labas ay tanaw ko na ang malawak na hardin ng Hacienda. Hindi naman ito ang unang beses na nakapunta ako rito, pero mas na-appreciate ko ngayon ang mga malalagong bulaklak dahil sa liwanag na tumatama sa sikat ng araw. "Magandang umaga po," bati ko sa mga nagbabantay ng gate. "Magandang umaga rin, hija. Ikaw 'yong anak ni Sir Cairo, ano pong sadya niyo?" tanong ng isa sa nagbabantay. "Ah, opo. Uh... nandiyan po ba si Mayor Saldivar? Ako po 'yong tutulong sa kan'ya para sa charity events niya," sagot ko. "Teka, hija. Tatawagan ko lamang si Mayor kung susunduin ka ba niya rito o ihahatid ka na lang namin doon." Tumango ako. Hinugot niya ang phone sa bulsa, tumalikod at mukhang may kinakausap na. Bahagya ko munang inayos ang buhok ko habang naghihintay, medyo nagulo kasi ito habang nag-da-drive si Kuya Sean kanina. "Ma'am, susundiin daw po kayo ni Sir Isaac. Pasok po muna kayo," saad ng guard. Hindi ko napansin na tapos na pala siyang makipag-usap. Binuksan niya ang gate at pinapasok ako, agad akong nagpasalamat. Pinaupo muna nila ako sa isang silya doon. Naisipang kong i-check ang cellphone ko, pasado alas nuebe pa lang. Dapat pala nag-text na lang ako kay Mayor, baka hindi niya inaasahan ang maaga kong pagdating. Baka naliligo pa lang 'yon o kumakain. Pwede rin naman na handa na siya dahil siya ang Mayor. "Sai," tawag ng isang boses... sexy naman. Nag-angat ako ng tingin, si Mayor. Nakasuot lang siya ng simpleng white t-shirt at black pants. "Good morning, Mayor," magiliw kong bati. "Bakit hindi ka nag-text?" iritado niyang tanong. "Uh... sorry?" Nagpeace sign pa ako. Agad niyang hinawakan ang braso ko at hinatak ako patayo. "Pumasok na tayo." Napangiwi ako nang maramdam kong medyo nangalay ang braso ko. "Mayor, 'wag mo akong hatakin. Ma-di-dislocate ang buto ko sa'yo, eh." Napatingin siya sa braso ko. Nakaawang ang bibig niya nang bitawan niya ito at bahagyang binabasa ang pang-ibabang labi. "Sorry," saad niya. Tumango lang ako. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang harap ng mansyon. Lumingon lang siya sa akin, nginitian ko siya pero nag-iwas lang siya ng tingin. "Pumasok na tayo," asik niya. Tumango ako. Nauna siyang naglakad kaya sumunod lang ako sa paglalakad. Pinagbuksan kami ng mga katiwala nila. Pagpasok namin ay sumalubong sa akin ang daan-daang box. Ang iba'y bukas na, ang mga school supplies at ibang mga kagamitan ay nakasalansan na sa sahig. Habang ang mga pagkain ay nakalagay pa sa mga bukas na kahon. May iilan ding tao na sa tingin ko'y mga nagtatrabaho sa City Hall, nag-uumpisa na silang mag-repack at parte-partehin. "Nakapamili na pala kayo," puna ko. "Hmm, oo. Maaga akong gumising para makapamili ng mga sinabi mong kailangan. Tapos nagtawag na rin ako ng mga katiwala sa munisipyo." "Ah, okay... Tutulong na muna ako sa pag-rerepack para makatapos nang maaga." Ibinaba ko muna ang shoulder bag ko sa malapit na sofa, tinanggal ko rin muna ang doll shoes ko, hindi ako kumportable. "Nasaan 'yong shoe rack niyo, Mayor?" Kumunot ang noo niya nang binaba niya ng tingin sa kamay ko, dala-dala ko ang doll shoes ko. Agad niya itong hinatak sa kamay ko, hindi ko na nga naiiwas sa kan'ya. "Bakit mo hinubad ang sapatos mo? The floor is cold, baka malamigan ang paa mo." Lumuhod siya sa harap ko at kinuha ang paa ko para muling isuot sa akin ang sapatos. "Baka magkasakit ka..." Napaawang ang labi ko dahil sa pagkabigla. Nang tumayo siya ay binigyan niya lang ako ng ngiti, parang sasabog ang puso ko... hindi ako makahinga. Tumalikod na lang ako na walang sinasabi. Nagkunwaring walang nangyari o naapektuhan sa mga kilos niya. Pero nang makalapit ako sa mga tauhan ni Mayor ay napansin kong napatigil sila sa pag-re-repack at nakatingin lang sa papalapit kong bulto. "Hi, tutulong po ako sa pag-a-arrange," bati ko sa kanila nang makalapit ako. "Hello! Sige! Kami nga pala 'yong assistant group ni Mayor Isaac. Ikaw?" bati ng babae na sa tingin ko ay mas matanda kay Mayor. "Chyrel Dujerte po, Sai na lang." "Ikaw 'yong anak ni Sir Cairo Dujerte 'di ba? Naku, big time. Magka-ano-ano kayo ni Mayor?" "Magkaibigan po..." Magkaibigan naman talaga. "Ha? Magkaibigan?" nag-aalinlangan niyang tanong. Tinapunan niya muna ng tingin ang mga kasama. Nagngitian muna sila bago ibinalik sa akin ang tingin. "Ah, ganoon ba? Sige, maupo ka na rito sa tabi ko." Tumango na lang ako. Nag-umpisa na akong kumuha ng mga plastik at basket para magsalansan ng mga pagkain na kailangan. Paminsan-minsan ay nadadaanan kami ni Mayor Isaac at saktong napapataas din ako ng tingin. Nginingisian niya lang ako kaya iniirapan ko lang siya. Pasado alas onse na pero nasa kalahati pa lang ang natatapos namin. Dagdag mo pa na isa-isang umaalis ang iba naming kasama dahil sa importanteng lakad at ang iba ay kakain muna pero babalik din pagkatapos. Hanggang sa mag-alas-dose ay ako na lang ang natira dahil umalis na rin si Ate Jean, gutom na ako. Ilang beses pa akong dinadaanan ni Mayor pero parang hindi niya napapansin ang gutom ko. Palihim ko siyang sinasamaan ng tingin. "Sai," si Mayor. Mukhang hindi na siya nakatiis dahil nakabusangot na ako dahil sa pagod. "Oh?" iritable kong sagot. "Gutom ka na ba?" Malamang! Kanina pa nga! "Hindi," maikli kong sagot. Sinamaan ko siya ng tingin at bumalik sa pag-re-repack. "Huwag ka ngang magsinungaling. Kumain na tayo. Nagpaluto ako kay Manang," usal niya. Hay, salamat! "Marami pa akong tatapusin." Pa-hard-to-get, Sai? "Ganoon? Okay." pikon niyang asik. Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa ginagawa ko. Lihim akong napahalakhak sa utak ko. Napahiyaw ako nang lumapit siya sa akin at binuhat ako. "Hoy! Mayor! Mapang-abuso ka, ah! Ibaba mo ako!" "Sabi ko kasing kumain ka. Para kang bata, napakatigas ng ulo mo. Huwag mong problemahin 'yon dahil kung gusto mo tulungan pa kita sa repacking. Sa ayaw o sa gusto mo, kakain ka. Ibababa lang kita kung kakain ka!" maotoridad niyang utos. "Oo na! Oo na! Ibaba mo na ako!" Ngumiti muna siya at dahan-dahan akong ibinaba. Padabog akong naglakad papunta sa mesa. Iniabot niya sa akin ang plato at kutsara na tinaggap ko naman. Naglapag siya sa hapag kainan ng rice cooker na may kanin at mga tupperware na may iba't-ibang klase ng ulam. Akmang kukuha ako nang pigilan niya ako. "Ako na." Hinayaan ko naman siya, napangiwi ako sa dami ng kanin at ulam. Hindi na ako nagreklamo at nagpatuloy na lang sa pagkain. "You don't eat corn?" biglang tanong niya. Nakatingin siya sa gilid ng plato ko. "Ah, yeah." "I'll take it. I can you give my greenpeas, I don't eat green peas." Napanguso ako at tumango. Ginamit niya ang kutsara niya para ilipat ang corn sa kan'ya at green peas sa akin. Nang matapos kami kumain ay binigyan niya ako ng mouthwash. Sabay kaming nagmumog sa bathroom. Pagkatapos ay lumapit na kami sa boxes para mag-re-pack. "Can you help me to tie the ribbon? It's hard, I have short finger nails not like your nails." Lumapit ako sa pwesto niya at hinawakan ng kamay niya para ituro ang p*******i. Noong una ay sumusunod ang kamay niya sa turo ko, pero nang kalaunan ay hindi na ito gumagalaw. Tinapunan ko siya ng tingin, nakatingin siya sa akin ay bahagyang kinakagat ang pang-ibabang labi. "Mayor..." tawag ko sa maliit na boses. Nang makita niyang nakatitig din ako sa kan'ya ay inilayo niya ang kamay niya at nagbawi ng tingin. "I am sorry, Sai..." bulong niya. Hinawakan niya ang isa kong kamay at inilagay sa buhok niya. Nag-iwas din ako ng tingin. "Ang ganda mo." "Sai and Mayor? Ano ang ibig sabihin nito? May relasyon ba kayo?" Napalayo ako kay Mayor at nanlalaki ang matang nakatingin sa pinagmulan ng boses. --- "Yes! Nakatapos na rin tayo sa pag-re-repack!" sigaw nila nang maipasok ang lahat ng bags, plastics and baskets sa loob ng truck. Sa ikatlong araw ng pag-re-repack ay natapos namin ang mga ipamimigay na pa-premyo para sa games, raffle and draws, pati na rin ang mga ipamimigay sa orphanage, home-for-the-aged at PWDs. "Good job, Sai. You did well," saad ni Mayor nang tumabi siya sa akin sa kinauupuan kong waiting shed. Otomatikong napunta sa direksyon namin ang tingin ng aming mga kasama. Hindi sila nagsasalita bagkus ay nagbigay sila ng malisyoso, at nakapanlolokong tingin. Kahit na ba na nilinaw na namin ang dahilan kung bakit nila kami naabutan ni Mayor sa ganoong estado. "So, paano? Anong next na aasikasuhin natin? Mahaba pa ang araw na magkasama kayo, este ang araw natin para maumpisahan ang isang gawain." Naghiyawan sila sa sinabi ni Ate Gracia. "Sai's plan. Sundin natin ang gusto niya..." si Mayor. "Grabe, Mayor! Under? Friends pa kayo ng lagay na 'yan, ah?" kantyaw naman ni Kuya Greco na kapatid ni Ate Gracia. "Top..." Ha? Napatingin ako sa kan'ya nang sabihin niya 'yon. Nag-umpisa na naman silang magpalakpakan at asarin kami. "A-ano, Mayor?" Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pants niya. "Top priority ko ang San Jose del Monte sa ngayon..." "Ayon naman pala. Top---priority ang City natin. Anong iniisip niyo kapatid?" Napabuga ako ng hangin. I hate my... mind. "Tama na 'yan. Masyado kayong makukulit at malisyoso. Hayaan niyong si Mayor at Sai ang magpaliwanag tungkol sa gagawin natin ngayon," pananaway ni Ate Jean. Nagsitahimik sila at tinakpan ang mga bibig. "So, pasok muna ako sa loob. May kukunin lang ako sa loob ng Hacienda. Si Sai ang magd-discuss sa inyo about sa plan." Dala ang susi ng kwarto niya ay pumasok na siya sa gate ng Hacienda. "Sige, Mayor." "Uh, ang plano po natin ngayon ay 'yong pag-aayos ng stage. Na-set na po ni Mayor ang venue, which is Sapang Palay National Highschool. Malaki po kasi 'yong Roquero Gym nila kaya swak na swak po para sa malakihang pagdaraos at may stage na po sila, design na lang at ayos na." Nagtanguan naman sila. "So, today po is paplanuhin natin kung paano lalagyan ng design 'yong mismong stage. Sabi po ni Mayor ay kailangan nating pumunta ngayon sa SPNHS to check and verify. Then tomorrow, 'yong iba pang anek-anek like lights and background music together with the final announcement. So, next week, siguradong tapos na po 'yon lahat." Sumang-ayon sila at nag-thumbs up. "Settled na ba lahat? We're going to SPNHS, right?" tanong ni Mayor nang lumabas siya mula sa gate ng Hacienda. Bitbit niya na ang isang clear briefcase na may lamang mga papel or baka papeles? "Mayor, aalis na po tayo?" "Ah, yes. Let's go?" Tumalikod na si Mayor at diretsong naglakad papunta sa kinaroroonan ng kotse niya. Hindi niya ako isasabay? "Ate Gracia!" tawag ko sa medyo malapit na si Ate Gracia. Lumingon siya sa akin. "Pasabay ako! Wala akong dalang kotse. "Ha?" "Pasabay ako!" Tumango lang siya sa akin kaya agad akong tumakbo patungo sa kanila. May dala kasi silang van na para sa grupo nila. Natural ay hindi naman ako inaya ni Mayor, dito na lang ako sasakay. Una silang umakyat sa Van, ako ang umupo sa dulo at si Kuya Greco ang driver namin. Kinatok ni Ate Jean ang bubong, senyales na pwede na kaming lumarga. Pinaandar niya na ang sasakyan. "Aray!" sigaw namin nang biglang nagpreno si Kuya Greco. Napadaing naman ako dahil sa pagkakauntog ko. "Walanghiya ka, Kuya Greco! Papatayin mo ba kami?" sigaw ni Ate Gracia na hinihimas ang ulo na nauntog din. "Sorry na! Nauntog din ako dahil sa biglang preno ko. Kayo lang ba nasaktan, ha?! Kapag nabangga tayo, ako ang unang matitigok!" "Eh, bakit ka ba kasi huminto?!" pasigaw na tanong ni Ate Prim. "Si Mayor! Hinarangan van natin! Balak 'ata tayong i-ambush dahil pinapasakit natin lagi ang ulo niya," pagbibiro ni Kuya Greco, ni walang natawa. "Oh, ayan si Mayor!" anunsiyo ni Ate Celina na nakaupo sa harapan ko. Tama nga siya, ilang segundo pagkatapos niya sabihin 'yon ay kinakatok niya ang pinto ng van. Binuksan ni ate Celina ang pinto. Tumambad sa amin si Mayor. "Are you guys okay?" "Mukha ba kaming okay? Muntik mo na kaming mapatay, Mayor!" iritado kong sagot. Nanlaki ang mata ni Ate Janice na nasa tabi ko, hindi makapaniwala na nasagot ko si Mayor. "Okay, I am sorry," paghingi niya ng paumanhin. "Mayor, bakit ka ba kasi biglang huminto?" tanong ni Ate Jean. "Nakalimutan kong kunin si Sai. Mas pinili kayong kasama kaysa ako." Napairap ako. Hindi mo nga ako niyaya! "Sige, Mayor! Kunin mo na 'yang si Chyrel!" si Kuya Greco. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. "Halika, Sai. Sa akin ka... sasabay." Wala akong nagawa kun'di ang magpahatak na lang. Gusto ko rin naman, eh. Kumaway sila sa amin ni Mayor Isaac at binaunan kami ng mga hiyawan at sigawan nila. "Let's go, Sai. Sa akin ka talaga... sa kahit na anong paraan na isipin mo," bulong niya nang medyo makalayo kami sa van. ------------------- Sabaw ako ngayon. Sorry :<
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD