Chapter 60 Chantal’s POV Nangingilid ang luha ko nang magising ako mula sa isang bangungot. Ramdam ko ang lakas at bilis ng t***k ng puso ko. Mariin kong ipinikit muli ang aking mga mata para piliting alisin sa isip ang aking masamang panaginip. Nanginginig pa din ang mga kamay ko sa ala-ala. Ayoko na siyang maalala pa... Someone, please get him out of my mind! “Chantal!” mahinang tawag sa akin ng pamilya na tinig. Paglingon ko ay sumalubong sa akin ang nag- aalalang mukha ni Argus. “Argus?” pinilit kong iangat ang katawan ko para makaupo. Hindi ba ako nililinlang ng aking paningin? Si Argus ba talaga ang nasa harap ko ngayon o sa mga panahon na ito siya lang ang gusto kong makita kaya siya ang ipinapakita ng ilusyon ko? Nakumbinsi ako na totoong si Argus nga ang kasama ko ngayon na

