Chantal’s Pov Hindi ko alam kung paanong natapos ang activity namin sa PE nang wala kaming naging interaction bukod sa mga ni-send kong documents sa email niya. Ang pagkakaiba lang ngayon ay hindi na ako kailangang makiusap sa kanya para makipag- cooperate siya sa akin dahil may pakialam na siya sa kanyang pag-aaral. Nakita ko na lang na ipinasa iyon ni Argus kay sir kanina. Ganoon niya pinaninindigan ang gusto niyang mangyari na bumalik kami katulad ng sa umpisa. And there are days that he obviously show how he doesn’t want to do things that give him the reason to interact with me. And I hate how this heart of mine keep on hurting because of that and selfishly wish to turn back the time where we used to spend a lot of time together. I miss those. And I miss him. “Gosh, it’s about time.”

