Chapter 70.1 Wala akong pakialam kung nakanganga man ako o nanlalaki ang mga mata habang nakatunghay sa pinasukan naming kwarto. Kahit nagmamadali si Argus ay hindi ko talaga maiwasang hindi mamangha sa loob ng bahay. Ang loob ng silid ay naglalaro sa dalawang kulay. White and wood brown. Napapalamutian din ito ng iba’t ibang native home décor tulad ng malalaking basket at kung hindi ako nagkakamali ay gawa sa rattan ang mga kagamitan gaya ng tables at chairs na nadaanan namin kanina pati na ang nandidito sa aming silid. Lahat ng nakikita ko dito ay halatang mamahalin. Simple yet elegant. Alanganin akong naupo sa kama. Kaagad akong lumubog ng bahagya. Ang lambot! Lumapit ako sa isang parte ng silid na glass ang pader. Isa pala iyong slidding door papunta sa wooden deck. Pagkabukas ko

