Chantal’s POV. 2nd day ng celebration of Valentines day sa Centris High o mas kilala sa tawag na white day Kung bakit white days, hindi ko alam. Sa ilang taon kong nag-aaral dito ay hindi ko man lang nalaman kung bakit tinawag ang araw ngayon na white day. At kung sino man ang nag imbento ng white day na ito ay paniguradong pinasasalamatan ngayon ng bawat babaeng makakatanggap ng gift galing sa mga lalaki. Sa ngayon nandito pa ako sa classroom para mag attendance. Wala pa si Pres Li na siyang may hawak ng papel para sa attendance. Wala pa din kaming pasok pero attendance is a must. Kahit si Argus ay wala pa dito pero si Anika ay nandito na. Hindi kami magkasabay pumasok at umuwi ni Argus dahil baka may makakita sa amin at mabuko pa kami. Pero madalas naman kaming magkasama sa condo niya

