Chantal's POV Pinagpawisan ako nang malapot nang makita ko si Argus at Sir Jai sa hapag kainan na may sangkaterbang mga putahe mula sa Avery's. Kaharap ni Argus at sir Jai sina mama at papa habang pinaliligiran ng dalawa kong mga ate. Kinutuban na ako kanina pagtapos kong makita ang kotseng naka-park sa harap ng bahay namin. Pinagsamang saya at kirot sa puso ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Seryoso ba talaga siya noong sabihin niya 'yon? Kararating ko lang galing sa movie date namin nila Aya at Rose pagtapos i-cancel ni Argus ang date namin ngayong Linggo. Pagtapos niyang iudlot ang date namin ay para niya akong pinatay noong sabihin niyang hindi na matutuloy ang date namin. At may mas mahalagang bagay siyang aasikasuhin. Hindi naman ito ang ibig niyang sabihin, hindi ba?

