Chantal's POV Natanaw kong nag-uusap sina Kiel, Argus, at Ace di kalayuan sa amin habang ang lahat ay nagsimula nang maglakad sa magubat na lagusan para makarating kami kung saan kami sasakay ng Van. Kanina ko lang nalaman na hindi pinapayagan nina Ace ang rutang mabilis gamit ang yacht or ship, para makarating agad sa paliparan. Gusto ni Ace na gamitin ang forest papunta at pabalik dahil sa weird niyang paniniwala at perspective sa buhay. Imagine, gusto niyang maranasan namin ang lahat ng hassle dahil lang gusto niyang ipamukha sa amin, na hindi palaging madali ang lahat. Like, ang weird niya lang. Why can't we save time and energy? Pero okay naman, dahil safe naman ang forest. "Oh my! Rose! Nakikita mo ba ang nakikita ko?" Excited na sabi ni Aya kay Rose na dahilan nang pagbaling k

