Chapter 59 Chantal's POV "Gusto sana kitang ihatid sa bahay niyo after ng work mo babe, kaso may meeting kami. I'll see you tomorrow." Paalam ni Kiel sa akin nang nasa tapat na kami ng lumang stock room sa 4th flr. "Ayos lang, babe. Kayang-kaya namin ito ni Blaire." Nginitian niya lang ako at tuluyan ng nagpaalam. Tinanaw ko siyang palayo at nang maglaho siya sa paningin ko ay sinundan ko na sa loob ng stock room si Blaire. Ang bilis ng mga araw. Magdadalawang buwan na rin simula noong nagkaintindihan kami ni Kiel tungkol sa punishment kong ito. This is way comfortable para sa akin kumpara noong alam kong nanliligaw siya sa akin. At wala na rin talaga akong pakialam sa mga bully at tsismosang umaaligid sa akin. We know the truth, at hindi naman kailangan palagi mong ipaliwanag iyon

