Walkers Two

2095 Words
PATRISHA's POV Binuksan namin ni Aliyah ang pinto sa basement at natagpuan naming ni Lia "Ate Aliyah! Buti dumating kana! Ang dami nila kanina. Sobrang dami.. natatako ako ate.” “Lia nasaan si mama?” “Ate hindi ko alam, iniwan na lang niya ako rito tapos nag sosorry siya. Hindi ko maintindihan ate aliyah.” Habang nagyayakapan ang dalawa napansin kong parang hindi nawalan ng malay ang kapatid niya, noong inangat niya ang ulo niya, nag transform na siya into zombie. “ALIYAAAAH!” hinigit ko si Lia at pinaputukan ng baril sa ulo. “Omg” aniya ko noong narealize kong pinatay ko ang kapatid ni Aliyah. "O-okay ka lang ba Aliyah?" Pag aalala ko sakaniya dahil baka nakagat siya ngunit hindi siya sumagot. "Anong ginawa mo?” mahina niyang tanong pero ramdam mo yung galit sa boses niya. “A-ah..” utal utal kong salita dahil nagulat rin ako sa nangyari at natatakot ako kay Aliyah. “Tinatanong kita.. ANONG GINAWA MO?!” nagulat ako sa pagsigaw. Sinubukan kong hawakan siya para pakalmahin pero itinaboy niya ang kamay ko at umalis sa basement. Tinignan ko ang bangkay ni Lia at napaiyak na lang ako sa nangyari “I’m sorry, Lia” na parang kaya pa akong marinig at maintindihan ni Lia. Gusto kong magalit kay Aliyah dahil parehas lang kami ng ginawa, dahil pinatay niya din ang dad ko pero I chose not to get mad dahil naiintindihan ko yung galit niya. Nagpalipas pa ako ng ilang minuto sa basement bago umakyat. Pagkayat ko nakita ko na magkayakap si Aliyah at ang mommy niya, agad akong lumapit sakanila, “Tita!” bumitaw siya ng yakap kay Aliyah at tumingin sa akin. “Patpat!” tawag sakin ng mommy ni Aliyah, patpat ang tawag niya sakin dahil patpatin ako noong bata palang kami. “Ma, saan kayo galing? Bakit niyo iniwan si Lia mag isa rito?” Tanong ni Aliyah kaya bumitaw na kami sa pagkakayakap naming ni tita. Pero bago pa niya ito sagutin tumakbo siya sa basement. “Si Lia!” sinundan namin siya at inexpect ang dapat iexpect pag nakita niyang patay na ang anak niya. “NOOO!” sigaw ni tita at umiyak habang akap akap ang bangkay ni Lia. “Anong nangyari?!” patuloy parin siya sa pag iyak, nilapitan ko si tita upang pakalmahin at humingi ng tawad ngunit inunahan ako ni Aliyah. "Zombie na siya noong makita namin ma, kahit na masakit sa loob ko, inudlutan ko na ang paghihirap ni Lia.” Pagpapaliwanag ni Aliyah habang nakatingin sakin. “Sorry ma” at lumabas na uli siya. Patuloy kong pinapatahan si tita hanggang sa kumalma at hinatid ko na siya sa kwarto upang magpahinga. Nang mahatid ko si tita pinuntahan ko kagad si Aliyah upang humingi ng tawad. "Aliyah" tawag ko sakaniya para malaman na naririto ako sa pinto ng kwarto niya pero hindi parin niya ako iniimik. "Look, I-im So--" Pinutol niya ang sasabihin ko. "Okay na. Napatawad na kita. Alam ko naman na ginawa mo lang yun kase prinotektahan mo ko. Salamat Pat" Tumingin siya sakin at ngumiti. Nginitian ko din siya. Tumakbo ako sakaniya at niyakap ko siya. “Sorry padin pero dapat sinabi natin ang totoo kay tita.” Sabi ko. “Okay na yun, mas sasama ang loob ng mommy kapag nalaman niya na ikaw talaga ang gumawa.” Pagpapaliwanag niya sakin. Tumango tango na lamang ako habang yakap parin siya.               Dead silence ng mga ilang segunda nang bigla siyang humagulgol. "Ang hirap lang kasi tanggapin e. Hindi man lang kami nag karoon ng mas maraming oras pa para makapag bonding. Tinaboy ko siya tulad ng lahat ng tao di ko naparamdam sakaniya yung pakiramdam na may ate kang sasandalan. Sobrang sakit Patrisha.” Pinakikinggan ko lamang siya para mailabas niya ang sama ng loob niya. "Shh tahan na. Andyan pa naman si Tita e. Kaya tahan na. Poprotektahan natin si Tita ng sobra. Para di na siya mawala okay?" Pagaassure ko kay Aliyah "Salamat Patrisha ah tska sorry kasi hindi ko kagad naintindihan yung sitwasyon at nagalit kagad ako sayo eh ganon dun naman ginawa ko kanina sa--” "Okay lang yun, naiintindihan naman kita eh.” Pagputol ko sa sasabihin niya, ayoko na lang kasi pag usapan about kay dad, sobrang sakit parin kasi. Siya na lang kasi natitira kong pamilya. Di kasi kami malapit sa ibang kamaganak, mas malapit pa kami sa pamilya nila Aliyah. Mag bestfriend din kasi si daddy naming ni Aliyah, business partners din dahil ang invest si dad sa company nila Aliyah which is pharmaceuticals. Natigil yung pag uusap namin ni Aliyah nang marinig naming ang pagbukas ng gate.   ALIYAH'S POV   Narinig namin na bumukas yung gate kaya nagkatinginan kami ni Patrisha “di mo nilock yung gate?” tanong ko sakaniya, bago pa niya ako masagot tumakbo na ako para tignan kung sino pumasok. Tumakbo naman si Pat sa kwarto kung saan nagpapahinga si mama. Nilock ko kagad ang pinto naming at sumilip sa bintana "Ah puta!" nagulat ako dahil may biglang sumulpot na zombies. Nilock ko lahat ng pinto na pwede pasukan ng zombies at binaba ang mga kurtina. Matapos ay tumakbo ako sa may salas kung nasaan ang mga baril na dala ni Patrisha. "Sino yung pumasok?" Tanong ni Pat sakin. "Napasok tayo ng mga zombies" pabulong kong sabi. “Wala nang time, Pat. Dali!" tinulungan ako ni Patrisha buhatin ang mga baril paakyat sa kwarto ni mommy. Kumuha naman kami ng kanya kanyang baril dahil mukhang masisira na ang pinto namin sa dami ng zombies. "Teka, hindi pa tayo aalis dito?" Tanong sakin ni Patrisha, kahit na gusto kong tumakas wala rin kaming pupuntahan. *crack* nagsisimula nang masira ang pinto namin. Kaya agad naming pinapaputukan ang mga zombies na nakakapasok. Patuloy lang ako sa pag baril hanggang sa naubos ang bala ko, tinignan ko ang box na may mga lamang bala ngunit masyado itong malayo dahil naririto ako sa gitna ng hagdan namin. Wala akong nagawa kundi lumaban ng walang armas. Itinulak ko ang zombie na lumapit sakin at saka tinadyakan. Nag hanap ako ng pwedeng magamit upang makipaglaban, kinuha ko ang vase na nasa kaliwa ko at hinampas ito sa ulo ng zombie, napatumba ito ngunit hindi ito namatay. Naisipan kong tumakbo sa kusina para kumuha ng kutsilyo, ginamit ko iyon sa pagiging laban ko sa mga zombies.   "AAAAAAHHHHH!" nakarinig ako ng malakas na tili sa taas, sinaksak ko ang kutsilyong hawak ko sa zombie na sumunod sakin at agad na tumakbo sa taas. Lalo akong natakot nang makita kong bukas ang pinto ng kwarto ng mommy ko. Pag akyat ko, kitang kita ko kung paano lapain ng zombie ang mommy ko. Tangina bakit? Bakit nag mommy ko pa. Sabi ko sa sarili ko habang tulalang nakatingin sa mommy ko. Lumapit ako at tinulak ko ang zombie na kumagat sakaniya, sinipa ko ng malakas dahilan ng pagkatumba niya lumuhod ako sa ibabaw niya at pinagsusuntok siya. "Tang ina mo!” Sigaw habang sinusuntok parin yung zombie na kumagat kay mommy hanggang sa mabasag ang bungo nito. Napaupo na lamang ako habang naiyak na nakatingin kay mommy. I failed, di kita naprotektahan ma, di ko kayo naprotektahan ni Lia. Patuloy lang ako sa pag iyak. Nagsimula nang umangil ang mommy ko, sinubukan niya akong abutin. Nilayo ko ang tingin ko sakaniya dahil hindi ko kayang makita na ganon na siya. Tumayo ako para kumuha ng pistol sa bag na dala naming ni Patrisha at binaril siya nang hindi nakatingin sakaniya. After that nabitawan ko ang baril na hawak ko at napaluhod na lang sa lungkot at dismaya sa nangyari.   I opened my eyes at wala akong makita dahil sa kadiliman na bumabalot sa kwarto. Nakatulog pala ako. Hinanap ko kagad ang switch ng ilaw at nakita ang bangkay ng mommy ko, agad akong napayuko dahil sa lungkot na nararamdaman ko. Kinuha ko na ang mga bag na naririto sa kwarto at nilabas, I slowly closed the door habang nakatingin kay mommy. Tears are falling down again really fast. Napaka sakit. I tried my best para makarating sa kwarto ko dahil nga walang ilaw at malayo ang switch ng hallway sa pwesto ko. Nang makarating ako, I immediately thought of Patrisha. Nasaan siya? I thought to myself. Pinasok ko kagad ang mga baril at bala sa kwarto ko at kinuha ang nakatagong flashlight sa side table ng kama ko. Binuksan ko ang lahat ng ilaw na meron kami sa bahay para mas madaling hanapin si Pat. Before I find her, ilolock ko muna ang  gate. Mukhang mali n binuksan ko lahat ng ilaw, nakita ko ang mga zombies na papunta dito. Agad kong sinara ang gate at nilock, ginamit ko rin ang buong strength ko para iharang ang bench na meron kami. Tumakbo kagad ako sa loob para patayin muli ang mga ilaw, at nagtago na lamang sa kwarto. Gusto ko mang hanapin si Patrisha pero nabalot ako ng takot at nagkulong na lamang sa kwarto. “Tawagan ko kaya siya?” tanong ko sa sarili ko pero bago ko pa magawa yun narealize kong wala akong hawak na cellphone mula kaninang umaga na umalis ako hanggang sa makauwi ako. Nasaan ang cellphone ko? Naiwan ko ba sa kotse? Tanong ko uli sa sarili ko.  “f**k! Lahat na lang ba hindi papabor sakin?” reklamo ko. Humiga nalang ako sa kama at sumagi nanaman sa isip ko si mama at Lia. Failure ka talaga Aliyah, starting 4 years ago hanggang ngayon, isa ka lang disappointment sa pamilya ito. Nagtaklob na lamang ako ng kumot at simulang umiyak uli hanggang sa makatulog na lang ako.               The moment I opened my eyes umupo kagad ako, Panaginip lang ba yon? Tanong ko sa isip ko ngunit nakita ko ang bag ng mga baril at box ng mga bala. “Hindi pala talaga panaginip.” Tumayo kagad ako at sinimulang hanapin si Patrisha. Nilibot ko na ang buong bahay pero wala siya. Nagsimula na akong kabahan na baka may nangyaring masama sakaniya.. Pumunta ako sa backyard namin at doon ko nakita yung necklace na regalo ko sakaniya nung birthday niya, heart shape na may BFF na naikot sa gitna ang pendant ng necklace na ito. Isa lang pumasok sa isip ko baka umakyat siya ng bakod para makaalis. Pero bakit? Tanong ko sa sarili ko. "Psssst." "Psssst." Nagulat ako sa biglang sitsit na naririnig ko ngayon. Itinutok ko ang baril na dala ko sa lugar kung saan ko naririnig ang sitsit. "S-sino ka?!" aniya ko “SUMAGOT KA!” sigaw ko dala ng takot na nadarama ko ngayon. “Saka ako bababa sa punong to, kapag binaba mo na yang baril mo.” Sagot niya, boses ng isang lalaki na may pagka masculine yung boses. Dahan dahan kong binaba ang baril ko at umatras ako naghahandang tumakbo. Pero noong tumalon siya mula sa puno wala siyang hawak na armas kaya naman tinutukan ko uli siya ng baril. “Woah! Hindi ako masamang tao. Tulad mo rin ako na sinusubukang makasurvive.” Pag explain niya habang nalapit sakin na medyo nakangisi. “Nakita ko kasing bumukas ang ilaw nitong bahay na to kagabi, at pumunta ako dito para makakita ng iba pang survivor.” "Wag kang lalapit!" Pagbabanta ko sakaniya habang naatras hanggang nasa dulo na kami ng backyard namin. Hahampasin ko na sana siya ng baril na hawak ko pero bago ko pa magawa yun, itinulak na niya ako ng malakas dahilan ng pag bitaw ko sa baril. Sa sobrang lakas ng pagkakatulak niya hindi ako makagalaw. Sinakal niya ako habang may inaabot sa may likod niya. Kutsilyo.. "AHH!” sigaw ko nang maramdaman ko yung sakit ng pagkakasaksak niya sa tagiliran ko. Tumayo siya at pumasok sa loob ng bahay. Sa sobrang sakit na nararamdam ko, hindi ko pagawang pigilan siya. Aliyah.. Hindi ito ang tamang oras para sumuko ka nalang. Kailangan mong hanapin si Patrisha. Baka kung ano nang nangyari sakaniya, pag momotivate ko sa sarili ko para labanan yung sakit. Pinilit kong makatayo at hinanap yung baril na hawak ko kanina kaso wala na. Pumasok ako sa loob ng bahay para pigilan yung lalaki, hawak hawak ko ang kutsilyo na sinasaksak niya sakin. Natagpuan ko siya sa kusina na naghahalungat ng mga pagkain, nakita ko rin sa tabi niya ang mga baril na galing kay Patrisha. Paika ika akong tumakbo sakaniya at sinaksak siya sa likod. Sumigaw siya ng pagkalakas lakas. Hinigit ko ang kutsilyo na hawak ko. Gamit ang kaldero na nasa kitchen counter, hinampas ko ito sa ulo niya dahilan ng pagkatumba niya. Bago pa siya magising, kinuha ko ang mga baril sa tabi niya. Tumakbo ako sa gate at pinilit na tanggalin ang bench na hinarang ko roon. Binuksan ko ang gate at sinilip kung may zombie sa paligid. May mangilan ngilan pero hindi sila malapit sakin. Tumakbo ako sa kotse ko at narealize kong wala yung susi ko. Wala na akong oras para kunin pa yun sa kwarto kaya binasag ko na lang ang bintana ng kotse ko. Minanual start ko ang kotse ko at saka umalis sa lugar na yun.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD